Gina Pareño kakalabanin na ni Coco Martin

MANILA, Philippines – Tuloy si Cardo (Coco Martin) sa pagsugpo sa katiwalaan sa bago niyang misyon na labanan ang sindikatong pinangungunahan ni Olga (Gina Pareño) sa mas tumitinding tagpo sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Matapos mapagtagumpayang tugisin si Ninong (Ronaldo Valdez), ang pag-kidnap naman ng grupo ni Olga kay Noemi (Sunshine Garcia) ang iimbestigahan ni Cardo.

Mas lalo pang magiging determinado si Cardo sa pagtugis sa mga kawatan dahil mabibiktima rin nito si Carmen (Bela Padilla) at ilalagay sa panganib ang kanyang buhay.

Ano’ng gagawin ni Cardo upang mapigilan ang pambibiktima ng sindikato? Maligtas kaya ni Cardo si Carmen mula sa kamay ni Olga?

Huwag palampasin ang mga ma-aksyong tagpo sa FPJ’s Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN.

Show comments