^

PSN Showbiz

Sana hindi tularan ng mga kabataan, tarayan nina Rody Duterte at Mar Roxas tinaob ang mga artista

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Enjoy na enjoy ang mga kababayan natin sa tarayan nina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Papa Mar Roxas na may threat na magsasampalan sila kapag nagkita.

Parang Robin Padilla at Richard Gomez ang peg nina Papa Rody at Papa Mar. Nag-away noon sina Robin at Richard pero nagsuntukan sila at hindi nagsampalan. Bakit nga ba sampalan at hindi suntukan ang hamon sa isa’t isa nina Papa Mar at Papa Rody?

Mahihiya ang mga artista sa palitan nina Papa Mar at Papa Rody ng maaanghang na salita. Wish ko lang, huwag tularan ng mga kabataan ang kanilang mga ginagawa dahil unpresidential ang mga inaasal nila.

Anak ni Martin kay Katrina Ojeda, kuhang-kuha ang mannerism ng concert king

Happiest father si Martin Nievera dahil magkakasama sila ng kanyang tatlong anak na lalaki sa Amerika.

Carbon copy ni Martin si Santino, ang anak niya kay Katrina Ojeda.

Nakilala ko si Katrina nang manood ako ng laban ni Manny Pacquiao sa Las Vegas at kung hindi ako nagkakamali, ipinagbubuntis niya noon ang anak nila ni Martin.

Big boy na ngayon si Santino at close sila ng kanyang half-brothers na sina Robin at Ram, ang mga anak ni Martin kay Pops Fernandez.

Kuhang-kuha ni Santino ang mannerisms ni Martin na maligayang-maligaya dahil kasama niya sa pagdiriwang ng Pasko ang kanyang mga anak.

Buntis pa naman, Chariz Solomon nahuli ang magnanakaw na pumasok sa bahay nila!

Nakakatakot ang karanasan ni Chariz Solomon noong nakaraang linggo dahil siya mismo ang nakahuli sa magnanakaw na pumasok sa bahay nila.

Buntis pa naman si Chariz sa second baby niya pero kahit nakaramdam ng takot, nagpakatatag siya.

Nagpapasalamat si Chariz dahil walang masamang nangyari sa kanya at sa pamilya niya. Dobleng pag-iingat ang dapat gawin ni Chariz at ng mga kasambahay nito dahil may nagtangka na rin noon na pagnakawan sila.

May mga nag-suggest kay Chariz na lagyan ng kuryente ang kanilang bakod para maturuan ang mga magnanakaw na tina-target ang bahay nila.

Wala nang kinatatakutan ang mga masasamang loob dahil gumagawa sila ng kasamaan kahit alam nila na may mga nakatutok na CCTV camera.

Wally, Jose, at Paolo iniwan sina Alden at Maine, rumaket sa malayong lugar

Absent sa kalyeserye ng Eat Bulaga sina Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros dahil may raket sila sa malayong lugar ng Dipolog City.

Hindi lamang sina Alden Richards at Maine Mendoza ang nakinabang sa phenomenal success ng kalyeserye dahil damay din sina Jose, Paolo, at Wally na sumikat bilang mga lola ni Yaya Dub.

Kita n’yo naman, sa kabila ng eskandalo na pinagdaanan ni Wally, nagkaroon pa siya ng mga TV commercial at nabura na sa isip ng mga tao ang kontrobersya na sumubok sa kanyang showbiz career.

Hindi nag-iisa si Wally dahil nakabalik na rin sa sirkulasyon ang ibang mga personalidad na nasangkot sa mga video scandal, kahit tanungin ninyo sina Hayden Kho, Jr., Katrina Halili, Maricar Reyes, Neri Naig, at Chito Miranda.

Koleksiyon ng bag ng isang socialite, walang binatbat ang mga artistang adik sa Hermes

Sobrang ganda ng bahay ng kaibigan ko na venue ng Christmas lunch namin noong nakaraang linggo.

Walang binatbat ang bahay ng mga sikat na artista sa sosyal na tahanan ng bestfriend ko pero ayaw nito na ma-feature sa mga magazine ang kanyang “sanctuary”.

May sariling elevator ang bahay kaya naalaala ko ang ang Mandaluyong house ni Sharon Cuneta na may elevator din.

Malinis at maayos ng bahay ng kaibigan ko, hindi katulad ng bahay ng isang TV host/actress na parang department store dahil sa rami ng mga kagamitan na hindi kailangan at pampasikip lamang.

ANG

BAHAY

CHARIZ

CHARIZ SOLOMON

DAHIL

KATRINA OJEDA

MGA

PAPA MAR

PAPA RODY

SANTINO

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with