^

PSN Showbiz

Diego at Sofia susubukan ng Kapamilya kung papatok

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Matapos maging mahalagang bahagi sina Diego Loyzaga at Sofia Andres ng trayanggulo nina Enrique Gil at Liza Soberano sa Forevermore at si Diego naman ay naging third wheel sa tambalang Daniel Padillla at Kathryn Bernardo sa Pangako Sa ‘Yo, susubukan ng ABS-CBN na gawing isang loveteam ang dalawa at kung sinuman ang magsisilbing third wheel nila ang siyang pinakaaabangan ng fans sa susunod na taon.

Bagaman at malaking pressure ang daranasin ng dalawa dahil pinaka-bago silang pareha kumpara sa KathNiel, JaDine at LizQuen, confident sila na ang kapalaran na ang magtatakda kung bagay nga silang pareha.

For his part, matagal nang smitten si Diego kay Sofia at wish niya na ma-in love rin sa kanya ang kapareha niya.

Para maging big time talaga, Denise kailangang magbawas ng taba-taba

Bukod sa pagiging isang mahusay na artista, taglay din pala ni Denise Laurel ang showmanship ng angkang kanyang pinaggalingan, ang pamilya Laurel. Sa simula pa lamang ng Your Face Sounds Familiar ay nagpamalas na si Denise ng talento sa pagkanta at panggagaya sa mga icon na in-assign sa kanya.

Maging ang mga juror na sina Sharon Cuneta, Gary V., at Jed Madela ay mangha na ang isang tulad niya na sa pag-arte lamang nagpapakilala ay may boses din at magaling mag-perform.

Bawas lang ng unwanted bulges and she’s in for the real big time.

Janine hindi nalungkot hindi madalas kasama si Elmo

Si Janine Gutierrez lamang marahil ang naiwan ng boyfriend na hindi kinakitaan ng munti mang bakas ng kalungkutan. ‘Yun marahil ang dulot ng kasiguruhan sa pagmamahalan nila ni Elmo Magalona at ang kaisipan na hindi siya ang iniiwan kung hindi ang paghahanap ng isang pagbabago sa kanyang trabaho.

Distansiya lamang sa trabaho ang lumawak sa kanila pero hindi ang kanilang relasyon na mas yayabong pa dahil mas mami-miss na nila ang isa’t isa.

Jean at Barbie mahihirapan sa ending

Paano nga kaya tatapusin ng GMA ang The Half Sisters? For sure hindi magtatagumpay ang masamang balak nina Ryan Eigenmann at Chanda Romero laban kina Jean Garcia at Barbie Forteza.

Dapat magkaron na ng happy ending ang mag-ina, kung para kay Jean ay si Gardo Versoza, pero para kay Barbie ay si Ruru Madrid kaya o si Andre Paras? Paano maisasalba ni Thea Tolentino ang kanyang pagbubuntis at mapatawad kaya sila ni Andre, ni Barbie sa kanilang kasalanan? Malapit na ang pagtatapos ng serye na habang lumalaon ay lalong nagiging masalimuot.

ANDRE PARAS

ANG

BARBIE

BARBIE FORTEZA

CHANDA ROMERO

DENISE

DENISE LAUREL

ELMO MAGALONA

GARDO VERSOZA

GARY V

HALF SISTERS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with