Alden tuwang-tuwa na hindi na panahog
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2015 - 9:00am

Dinumog sina AiAi delas Alas at Alden Richards sa mall show nila sa Alabang noong Biyernes.

Sina AiAi at Alden ang lead stars ng My Bebe Love at umapir sila sa mall show para i-promote ang kanilang pelikula na kasali sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Hindi kasama sa mall show ng My Bebe Love si Vic Sotto dahil nagpunta sila ni Pauleen Luna sa Hong Kong. May special participation si Pauleen sa filmfest movie ng love of her life.

Walang duda na pipilahan sa box office ang My Bebe Love dahil excited ang fans na mapanood muli na magkasama sina AiAi at Bossing, pati na si Alden na tuwang-tuwa dahil hindi na siya “one of those”. Essential ang sey ni Alden tungkol sa role niya sa My Bebe Love.

Erap hindi kayang talikuran ang inaanak na si Grace

Hindi na nakatiis na mag-react si Manila City Mayor Joseph “Erap” Estrada dahil umano’y panggigipit sa kanyang  inaanak na si Senator Grace Poe ng mga kalaban nito sa pulitika.

Nagsalita si Papa Erap na hindi niya kaya na talikuran ang anak ng kanyang bestfriend na si Fernando Poe Jr. na pilit na hinaharangan para hindi matuloy ang pagkandidato bilang pangulo ng bansa sa 2016.

Sinabi ni Papa Erap na naniniwala siya na ang mga tangka na disqualification kay Mama Grace ay kagagawan ng mga katunggali ng senadora sa pulitika.

“Sa aking pananaw, kung hindi siya kandidatong presidente, hindi naman malalabas ‘yan pero ngayong kandidato nang presidente, hinahanapan na ng butas,” ang pahayag ni Papa Erap tungkol sa mga kuwestyon sa kandidatura ni Mama Grace.

Malaki ang tsansa na ang kandidatura ni Mama Grace ang susuportahan ni Papa Erap dahil anak siya ni FPJ na itinuturing niya na parang kapatid.

Ayon kay Papa Erap, highly qualified na  tumakbo bilang pangulo ang kanyang inaanak. Hindi nawawala ang pag-asa ni Papa Erap na papayagan  ng Supreme Court na nakasali sa presidential race si Mama Grace, kagaya ng nangyari kay FPJ  noong 2004.

Idinagdag ni Papa Erap na dapat ipaubaya sa taumbayan ang paghuhusga sa kung sino ang gusto nila na maging next president ng Pilipinas.

“As far as I am concerned, she is a Filipina because she was born in the Philippines. She was elected as senator. Vox populi, vox Dei. The voice of the people is the voice of God. Let the people decide,” ang makahulugan na pahayag ni Papa Erap.

Kahit si Duterte ang sinusuportahan Robin pinadalhan ng bulaklak nina Korina at Mar

Nakatanggap si Robin Padilla ng poinsettia plant mula sa mag-asawang Mar Roxas at Korina Sanchez.

Nagpasalamat si Robin kina Papa Mar at Mama Korina dahil sa Christmas gift na ipinadala sa kanya.

“Maraming maraming salamat po Ma’am Korina Sanchez-Roxas sa ipinadala ninyong bulaklak. Tunay po na ang inyong pakikipagkaibigan ay walang pulitika at showbiz, mula pa sa aking pagkakakulong at sa aking paglaya hanggang sa pagbabalik sa showbiz ay isa kayo sa haligi ng aking tagumpay. Ako po ay buong puso na nagpupugay sa inyong mabuting puso. Mabuhay!!!”

I’m sure, touched na touched si Robin sa kind gesture ni Mama Koring. Sinabi ni Robin na walang pulitika ang friendship nila ni Mama Koring dahil alam ng lahat na ang kandidatura ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang sinusuportahan, hindi ang presidential candidacy ni Papa Mar.

ACIRC ANG ERAP HINDI MAMA GRACE MAMA KORING MY BEBE LOVE NBSP PAPA PAPA ERAP PAPA MAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with