May pag-asang maiuwi ang korona? Pia paborito raw sa Miss U

Pia

Matinding pressure talaga ang kinakaharap ni Pia Wurtzbach lalo’t may isang Pinay na ang nakasungkit ng isang world title, ang Miss Earth. Kailangan meron din siyang maiuwing korona kung hindi, she’ll never hear the end of it.

Buti na lang, balitang isa siya sa mga paborito sa Miss Universe pageant.

Alden at Maine hindi nakadepende sa relasyon ang tambalan

Mukhang mas lalawak pa ang gap sa pagitan nina Alden Richards at Julie Ann San Jose dahil sa pagbawi ng direktor sa nauna niyang pahayag na may relasyon ang singer at aktor. Una nang nagkalamigan ang dalawa dahil sa ganitong isyu. Ngayon ay may kontrobersiya na namang nabuo. Hay naku!

Totoo man o hindi, walang dapat ikagalit ang fans ni Yaya Dub. Screen tandem pa lang naman ang AlDub, ‘di pa sila lumalampas sa personal level. Kaya huwag silang masyadong mag-expect.

Hindi batay sa magiging tunay na relasyon nila ang itatagal ng tandem ng dalawa.

At least di nakiki-ride Mommy D. may sariling diskarte para mapansin

May nakakagulat pa ba sa pagtu-twerk ni Mommy Dionisia Pacquiao sa TV? Eh meron nga itong kissing scene sa isa niyang commerical. Masaya kayo, huh!

In fairness sa celebrity nanay, ‘di siya nakiki-ride on kay Manny Pacquiao, talagang sikat siya in her own way.

Pagiging second choice ni Echo ‘di big deal

Bakit ba kailangang intrigahin ang pagiging second choice ni Jericho Rosales sa Walang Forever? Eh siya naman ang kinuha dahil hindi umubra si JM de Guzman. At fully aware ang Kapamil­ya actor na pamalit lang siya, pero wala siyang problema rito.

Ang mahalaga ay siya ang naging final choice. ‘Yun lang.

Show comments