Regine walang malay na may isyu ng lipatan

Nabasa ni Regine Velasquez ang balitaktakan ng followers/fans niya sa Instagram (IG) na ang isyu ay ang pag-alis sa GMA 7 para lumipat sa ABS-CBN ngayong mag-i-expire na ang kontrata niya sa Kapuso Network. Siniguro na nga ng iba ang paglipat niya at siya na ang susunod kay Elmo Magalona na mag-o-ober da bakod.

May nag-congratulate na kay Re­gine sa nalalapit niyang pagiging Kapamilya at nalungkot naman ang Kapuso fans niya dahil hindi na siya ma­papanood sa dating istasyon. Pero bago pa magkamurahan ang fans, sinagot ni Regine sa IG ang isyung kanyang paglipat ng network.

“Actually, I’m not moving I don’t know where that news came from I’m already signing with GMA for 2 more years,” sabi nito.

Samantala, pagkatapos ng concert series ni Regine sa Solaire Resort and Casino, isang charity concert sa Biñan, Laguna sa December 6 naman ang gagawin. Billed The Songbird Sings in Biñan ang concert na gagawin sa Alonte Sports Arena.

Carla nahiyang magpakarga kay Gabby

Mamayang gabi na, pagkatapos ng Little Nanay ang pilot ng Because Of You at isa sa inaabangan ng manonood nito ay ang theme song ng light hearted romantic series. Pero sa presscon, wala pang napipiling theme song. Wala pang naikuwento sina direk Mark Reyes at Carla Abellana, pero siguro naman, mamaya ay mayroon na.

May eksena sa Because of You na umakyat ng puno si Carla at nahulog, tsinika nito kung ano ang ginawa ni direk Mark Reyes para magmukhang makatotohanan ang eksena.

Kuwento pa ni Carla, nahiya siya kay Gabby Concepcion dahil basa siya at mabigat ang wedding gown na suot niya sa eksena. Pero pumayat na ngayon si Carla.

Aguinaldo movie na palabas uli iba-bargain sa mga estudyante ang bayad sa sinehan

Muli palang ipalalabas ang General Emilio Aguinaldo para raw i-correct ang misconception tungkol sa nasabing bayani sa pelikulang Heneral Luna. Showing sa December 2 exclusively sa SM Cinemas ang biopic ng first Philippine President.

Bida rito si ER Ejercito, sa direction ni Mark Meiley at graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB). Director’s Cut ito, kaya PG ang rating. May 50 percent discount ang students and teachers with school ID.

Fabio nag-e-effort nang mag-Tagalog

Nakatutuwa si Fabio Ide dahil nag-i-effort na mag-improve sa kanyang craft. Mas malinaw at deretso na itong mag-Tagalog at sa comment ng viewers ng Destiny Rose, napo-portray nito nang maayos ang karakter ni Gab­riele.

Kaya lang, mukhang malabong mangyari ang gusto ng fans na nagwi-wish na magkaroon ng totoong relasyon sina Fabio at Ken. May GF si Ken na ang sabi, suportado siya at si Fabio ay GF si Bianca Manalo ng ABS-CBN. “I don’t think I’d fall for a transwoman, I really love women,” sagot ni Fabio.

 

 

Show comments