Sorry, sorry ni Kris ayaw nang paniwalaan?!

SEEN: Wala nang epekto ang mga forgiveness post ni Kris Aquino dahil sa kanyang insensitive comparison sa skin burn niya at sa mga tao na biktima ng APEC Summit traffic. The damage has been done.

SCENE: Wala nang impact ang Saturday night declaration ni Davao City Mayor Rudy Duterte na tatakbo siya na presidente ng Pilipinas sa 2016 dahil hindi niya nagustuhan ang pagbasura ng Senate Electoral Tribunal sa disqualification case kay Senator Grace Poe. Mas gustong marinig ng mga tao mula kay Duterte na kakandidato ito dahil nais niya na makatulong sa pagbabago at pag-unlad ng bansa na lugmok na lugmok na sa corruption.

SEEN: Nagmukhang bata si Pops Fernandez sa kanyang bagong hairdo kaya lalong napansin ang resemblance nila ni Maine Mendoza.

SCENE: Pinagkaguluhan si Maine Mendoza ng fans nang manood siya ng concert ni Sam Smith sa MOA Arena noong Sabado.

SEEN: Pinanood din ni Megan Young ang MOA Arena concert ni Sam Smith.

SCENE: Ang violent reaction sa all natural beauty comment ni Dra. Vicki Belo kay Alice Dixson nang magsuot ito ng two-piece swimsuit sa isang eksena ng Mari Mar.

 

Show comments