Kaya naghiwalay Rocco ginalaw ang perang inipon nila ni Lovi?!

Kahit wala pang ina­amin ni ano man ang magdyowang Rocco Nacino at Lovi Poe, tinatanggap na ng ma­rami nilang fans at followers na sa hiwalayan ang kapalaran ng kanilang re­lasyon.

Ewan kung totoo pero, nababalitang may iba nang  nagugustuhang non-showbiz ang aktor (ang dali naman!) na wala pang nakikitang reaksyon mula sa aktres at nagagawang ipagtanggol pa si Rocco sa mga bashers nito sa pamamagitan ng pagsasabing mabu­ting tao ang binata at humihingi ng pang-unawa na  gusto niyang gawin munang pribado ang lahat sa kanilang dalawa.

Pero, totoo kayang may joint account ang da­lawa na sinasabing nilulustay daw ng aktor? Bakit sila nagpasyang gumawa nito ga­yung hindi sila sigurado pa sa kanilang relasyon? Tsk. Tsk. Tsk.

Pokwang favorite pa rin ni Kris

Nadagdagan na naman ang cast ng All You Need Is Pag-ibig nina Kris Aquino at Derek Ramsay. Bukod kina Jodi Sta. Maria, Ian Vene­racion, Bimby Yap, at ang dala­wang babaeng apo ni Charo Santos-Concio na siguro ay gaganap bilang anak nina Kris at Derek, isinama na rin sa cast si Pokwang na isa na ring paborito ng presidential sister.

Show comments