^

PSN Showbiz

James at Nadine hindi nagpatinag sa trapik para kay Andre

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Apektado ng APEC traffic sina James Reid at Nadine Lustre kaya na-late sila nang da­ting sa premiere night ng pelikulang Wang Fam na nagbukas na sa mga sinehan kahapon.

Kahit ma-late ay kailangang suportahan daw nila ang pelikulang ito lalo na’t kasali ang best friend nilang si Andre Paras.

Kahit ma-traffic, sinikap pa rin ni Benjie Paras na makatakas sa taping ng teleserye niyang And I Love You So para madaluhan ang premiere night ng Wang Fam.

Maganda raw ang samahan nila sa shooting ng pelikulang iyon kaya hindi puwedeng isnabin ang premiere night dahil nakakahiya kung siya lang ang wala roon.

PAK: Isa sa nag-trending sa social media ang #APEChottie kung saan pinagtatalunan kung sino ang mas cute at mas hot kina Canadian Prime Minister na si Justin Trudeau at Mexican President na si Enrique Peña Nieto.

Si Kris Aquino ang aligaga sa pag-asikaso sa guwapong Mexican President kung saan sinamahan niya sa wreath laying sa Rizal Park nung kamakalawa ng hapon. Bale pangalawang beses nang na-meet ni Kris at inasikaso ang guwapong Mexican president, at natutuwa raw ito dahil naramdaman niya kung gaano ito kasaya sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pinoy.

Post ni Kris sa kanyang Instagram; “While waiting with Manila Mayor Erap (Estrada), greeting President Pena Nieto, the wreath laying, & chatting with President Pena Nieto and telling him how excited I am for @darrenespanto & @karloslabajo to sing for his daughters tonight. He was so warm & appreciative of our Philippine hospitality.”

Pero sa kabila nito, pinutakti ng panlalait at alipusta ang ginawa nila dahil sa matinding traffic na idinulot nito at hindi nakapagtrabaho nang maayos ang mga tao.

BOOM: Nagbabalik si Diether Ocampo sa pag-arte dahil siya ang special guest sa Watt­pad Presents kung saan dalawang episode ang gagawin niya. Ang Wicked Ways kasama sina Ritz Azul at John James Uy, at ang Seducing Mr. Wrong kasama naman si Sam Pinto.

“I’m very thankful for this opportunity. Hindi pa ako nakapag-guest sa Channel 5, this is the first time na magtatrabaho sa production ng TV5. This is the initial project that I accepted. But I’m still with Star Magic sa ABS(-CBN),” paliwanag ni Diet.

So far, wala pa naman daw plano sa kanya ang ABS-CBN 2 dahil hindi nga natuloy ang drama series na gagawin niya na kung saan kasama dapat si Judy Ann Santos. Pero nabuntis ang aktres, kaya hindi na ito natuloy.

Kaya nagpapasalamat daw siya sa TV5 dahil binigyan siya ng guesting at nag-enjoy siyang makipagtrabaho sa Kapatid network.

Pagdating sa personal na isyu ay tipid ang mga sagot ni Diether. Wala pa raw silang planong magpakasal ng non-showbiz girlfriend niyang si Michelle Cojuangco Barrera, pero mas gusto niyang tahimik lang at huwag na itong pag-usapan.

vuukle comment

ACIRC

ANDRE PARAS

ANG

ANG WICKED WAYS

BENJIE PARAS

BUT I

CANADIAN PRIME MINISTER

DIETHER OCAMPO

MEXICAN PRESIDENT

PRESIDENT PENA NIETO

WANG FAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with