Kahit laging magka-facetime, Alonzo hindi type si Ryzza Mae
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2015 - 9:00am

At five, kayang balansehin ni Alonzo Muhlach ang kanyang pag-aaral at pagiging artista.

Maagang nagigi­sing sa umaga si Alonzo para habulin ang kanyang 7:30 a.m. class sa La Salle – Greenhills kung saan ay nasa kinder na siya. Labas naman siya ng 11:30 a.m. at kadalasan ay dumidiretso na siya sa kanyang mga commitment.

Kahit mas matatanda sa kanya ang kanyang mga nakakalaro sa set, wala itong problema sa bunso ni Niño Muhlach.  Ang mahalaga ay may kalaro siya kapag walang take.

Mas nag-i-enjoy siyempre si bagets dahil madalas ay ini-spoil siya sa set ng kanyang mga kasamahan sa trabaho.

Kahit bihira silang magkita, nag-uusap pa rin sila ng friend niyang si Ryzza Mae Dizon sa Facetime. Ini-insist ni Alonzo na friend lamang daw niya si Ryzza Mae at hindi niya umano ito crush.

LJ masaya kay Paolo

Naudlot man ang pag-iibigan nina LJ Reyes at JC de Vera, may bagong nagpapasaya naman sa kanya ngayon, ang ex-husband ni Lian Paz na si Paolo Contis.

May isang anak na lalaki si LJ sa ex-boyfriend niyang si Paulo Avelino at may dalawang anak naman si Paolo sa kanyang ex-wife.

Samantala, inamin ni JC na may idini-date siya ngayong isang non-showbiz girl na isang young entrepreneur at umaasa siya na sana’y mag-work at magtagal ang kanilang relasyon.

Pokwang umaasang mabubuntis na ulit

Kahit nakunan si Pokwang sa kanilang magiging first baby sana ng kanyang nob­yong American actor na si Lee O’Brien, umaasa pa rin ang magkasintahan na mabibiyayaan pa rin sila ng anak balang araw, although magiging mahirap na ito sa parte ni Pokwang dahil sa kanyang edad na 45.

Speaking of Pokwang, masayang-masaya ito dahil natuloy na rin sa wakas ang movie na pagsasamahan nila ni Direk Wenn Deramas, ang Wang Fam na magbubukas sa mga sinehan simula ngayong Miyerkules, November 18.

 

ACIRC ALONZO ANG DIREK WENN DERAMAS KAHIT KANYANG LA SALLE LEE O LIAN PAZ PAOLO CONTIS POKWANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with