Kilalang aktor hindi maghihirap kahit walang raket dahil sa ‘booking agency’!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2015 - 9:00am

Parang ayaw naming paniwalaan ang kuwentong nakarating sa amin tungkol sa isang kilalang aktor pero napakaraming nagpapatunay na totoo ‘yun.

Para kasing wala naman sa itsura niya ang gagawa ng ganu’n, kahit sa panaginip lang ay parang ayaw naming maniwala, hanggang sa makakuwentuhan na namin ang mga taga-showbiz na malalim ang impormasyong alam tungkol sa kuwento.

Umpisa ng aming source, “Totoo ‘yun. May sideline si ____(pa­ngalan ng kilalang male personality), huwag na kayong ma-shock, marami nang nakakaalam ng tungkol du’n.

“Siya ang tagarasyon ng mga kababaihan at kalalakihan sa mga kaibigan at katransaksiyon niyang foreigner. Maraming artistang nagpapa-book sa kanya dahil sa matinding pangangailangan.

“Hindi niya ‘yun ginagawa commercially, para lang sa mga friends niyang foreigner ‘yun, exclusive lang ang pagiging Boogie Wonderland (read: pimp, bugaw) niya.

“Kaya panalo sa kanya ang mga ka­tropa niyang artista na walang masyadong project. Ibinu-book sila ng kaibigan nilang aktor, tinutulungan sila. Hindi kasi kumukuha sa labas ang booker, mga co-actors din niya ang ibinibigay niya sa mga guests niya,” impormasyon ng aming source.

Kahit maging matumal ang pelikula ng aktor ay mabubuhay siya, marami na siyang naipon, pero dahil magaling siyang aktor ay palagi pa rin siyang napapanood sa pelikula at telebisyon.

“Masipag siya, buhay na buhay na siya sa sideline niya, pero work pa rin siya nang work. Professional siya, never siyang naging sakit ng ulo ng production, kaya palagi siyang kasama sa casting ng maraming projects.

“Busy nga lang siya tuwing break nila sa trabaho, marami siyang kinakausap, kasi nga, busy talaga ang booking agency niya!” humahalakhak pang kuwento ng aming impormante.

Ubos!

Alden at Maine hot na hot sa mga TVC

Kuwento ng mga kaibigan naming may direktang kuneksiyon sa mga advertising agency ay marami pang ibang TVC na ginagawa ang AlDub. Parang kanila na nga ang espasyo ng telebisyon dahil kahit saang channel ka pumaling ay mukha nina Alden Richards at Maine Mendoza ang bubulaga sa iyo.

Ngayon lang nangyari ang ganito. Sila lang ang sabay-sabay na kinuha ng malalaking kumpanya. Wala pang personalidad na nag-endorso ng mga produkto nang sabay-sabay.

Marami mang endorsement ang ibang sikat na artista ay ginawa nila ‘yun nang may patlang, malaking panahon ang pagitan, hindi tulad ng AlDub na sa isang iglap lang ay napakaraming ginawang commercials.

Kuwento ni Ogie Naravaez Rodriguez, ang anak-anakan naming may direktang contact sa mga ahensiya, “Pati po sa pagko-cover ng mga glossy magazines, sila rin ang pinakamabenta. Reprint kung reprint po ang mga magazines kapag sila ang nasa cover dahil siguradong sold-out kaagad.

“Puring-puri rin sina Maine at Alden ng mga friends kong nagtatrabaho sa mga TVC nila, wala raw ka­sing kaarte-arte ang dalawa, maganda ang PR nila,” balita pa ng aming kaibigan.

Ang dami-dami kasing kuwento ng kaartehan sa paggawa ng mga TVC. Nand’yan ang isang actress-TV host na matindi ang insecurity, may kani-kanyang damit sila ng mga kasamahan nitong artistang endorser, pero kung alin ang isusuot ng isa ay ‘yun pa ang kanyang kinukuha.

“At maepal pa ang nanay! Pati ang blocking, pinakikialaman! Napunta lang sa gilid ang anak niya, kumuda na agad, sa gitna raw dapat ang anak niya at hindi sa gilid lang!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

“Si Maine, wala nang kaartehan, wala pang nanay na kasama sa TVC shoot, kaya walang problema ang production,” pahabol pa ng aming impormante.

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG BOOGIE WONDERLAND KUWENTO LANG MAINE MENDOZA MGA NIYA OGIE NARAVAEZ RODRIGUEZ PATI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with