LJ adik sa mga Paolo ang pangalan; Wendell Ramos isinugod sa hospital dahil sa vertigo!

LJ

SEEN: May “fetish” si LJ Reyes sa mga lalaki na Paolo ang pangalan mula sa kanyang ex-boyfriend na si Alfredo Paolo Vargas, ex-live in partner Paulo Avelino, at current boyfriend Paolo Enrico Contis.

SCENE: Sa December 2 ang playdate ng remake ng Angela Markado, ang pelikula na pinagbibidahan ni Andi Eigenmann at comeback movie ng direktor na si Carlo Caparas.

SEEN: Ang shooting kahapon sa Marikina City ng Beauty and The Bestie, ang 2015 Metro Manila Film Festival entry nina Vice Ganda at Coco Martin.

SCENE: Reset for January 2016 ang arraignment ni Cedric Lee sa Sandiganbayan para sa graft and malversation case dahil hindi pa na­reresolba ang kanyang motion to quash.

SCENE: Ang request ni Senator Bong Revilla, Jr. na payagan siya ng Sandiganbayan na makadalo sa 18th birthday party ng kanyang bunsong anak na babae sa October 24.

SEEN: Sa unang linggo ng November 2015 ang release sa mga bookstore ng Direk 2 Da Poynt, ang biography book ng direktor na si Wenn Deramas. Ang Viva Publishing ang publisher ng libro ni Wenn.

SCENE: Sinumpong ng vertigo si Wendell Ramos kaya dinala siya sa ospital. Mapapanood si Wendell sa Wang Fam ng Viva Films.

Show comments