^

PSN Showbiz

Pinay na si Ann Lorraine waging Miss Globe 2015

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Muli na namang nangibabaw ang kagandahan ng mga Filipina sa katatapos na Miss Globe 2015 beauty pageant na ginanap sa Rose Theatre sa Brampton, Toronto, Canada last Thursday evening, matapos masungkit ng Fili­pina represen­tative na si Ann Lorraine Colis ang korona besting 54 other candidates mula sa iba’t ibang bansa.

In 2013, nakuha ng Pilipinas ang kauna-una­hang Miss World crown sa pamamagitan ni Megan Young habang nagmumuntik-muntikanan parati ang Miss Universe title na unang nakuha in 1969 ni Gloria Diaz at naulit in 1974 ni Margie Moran.

Si Ann Lorraine Colis ang pinakabagong beauty title holder na nakapag-uwi ng bagong karangalan para sa Pilipinas.

Pacman hindi na raw aabsent ‘pag nanalong senador

Desidido ang People’s Champ na si Rep. Manny Pacquiao na maging isang senador sa su­su­nod na halalan. Sinabi ng mister ni Jinkee Pacquiao na naglalaan na lamang ng isang laban si Manny at tuluyan na nitong ipapahinga ang kanyang boxing gloves dahil gusto na niyang mag-focus sa kanyang pagiging isang mambabatas.

Samantala, isa si Manny sa mga kandidato sa pagka-senador ang pinag-aagawan ng iba’t ibang partido at kasama na rito ang administration party na Liberal Party. Pero undecided pa umano ang kongresista kung saang partido siya aanib.

Yaya ni Bimby hindi nakatiis, apat na araw lang nag-honeymoon balik na uli kina Kris

Napakasuwerte naman ni Kris Aquino na siya’y nakahanap ng matapat na yaya ni Bimby sa katauhan ni Yaya Gerbel na kamakailan lamang ikinasal sa nobyo nitong si Jezreel Langha sa Tagaytay. Ito ang naging dahilan para hindi makadalo si Kris sa premiere night ng kanyang pelikulang Etiquette for Mistresses last September 29.

Iniyakan nang husto ni Bimby ang kasal ni Yaya Gerbel sa pag-aakalang hin­di na ito babalik sa kanya matapos itong mag-asawa. Pero apat na araw lamang nawala sa kanya ang kanyang yaya at muli itong bumalik sa kanya.

Masuwerte rin si Yaya Gerbel sa pagkakaroon ng amo tulad ni Kris na talagang nag-effort para sa kanyang kasal na ipinagpalit ng TV host-actress ang isang mahalagang okasyon tulad ng premiere night ng kanyang pelikula.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANN LORRAINE COLIS

BIMBY

GLORIA DIAZ

JEZREEL LANGHA

JINKEE PACQUIAO

KRIS AQUINO

LIBERAL PARTY

YAYA GERBEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with