Wally, ‘AlDUb’ tatanggap ng Catholic Social Media Award

MANILA, Philippines — Dahil sa magagandang aral na napupulot sa “Kalyeserye,” nakatakdang tumanggap ng parangal si Wally Bayola at ang “AlDub” stars Alden Richards at Maine Mendonza.

Sina Wally, Alden at Maine ang kauna-unahang bibigyan ng Catholic Social Media Award matapos silang piliin ng Youth Pinoy and Areopagus Communications Inc.

Ayon sa ulat ng Catholic Bishops' Conference Philippines (CBCP), ibibigay ang award sa Kalyeserye stars sa Oktubre 11 sa 4th Catholic Social Media Summit sa Sta. Rosa, Laguna.

Sinabi ni Raymond Bandril, miyembro ng awarding committee, napili ang naturang segment ng “Eat Bulaga” dahil sa magagandang aral na binibigay nila sa kanilang mga manonood.

“This is the kind [of show] that we don't see on TV anymore," pahayag ni Bandril.

Nagpaalala naman ang CBCP sa mga fans ng AlDub na huwag puro kilig ang pairalin at huwag kalimutang pulutin ang aral sa pinapanood.

 

Show comments