Kahit responsibilidad naman niya ‘yun Sharon hindi maka-move on sa sakripisyo kay KC

SCENE: Wish I May at hindi na Maybe This Time ang pamagat ng afternoon teleserye nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Ang Wish I May ang title ng hit single ni Alden Richards.

SEEN: Ang balita na diumano, may pangako na bibigyan ng “covered court” para sa kanilang constituents ang pulitiko na makikipagsayaw sa Playgirls sa kontrobersyal at malaswa na birthday celebration sa Sta. Cruz, Laguna na dinaluhan ng mga kasapi ng Liberal Party at ng standard bearer nito, si ex-DILG Secretary Mar Roxas.

SCENE: Sa 2016 pa ang airing ng mga ABS-CBN teleserye na Written in Our Stars (Toni Gonzaga, Piolo Pascual, Sam Milby, at Jolina Magdangal) at The Story of Us (Xian Lim at Kim Chiu).

SEEN: Natakot si Jennylyn Mercado na sumumpa na mamatay man, wala siyang karelasyon dahil hindi totoo ang kanyang statement sa presscon ng The Prenup.

SCENE: Ang reaksyon ng publiko na hindi dapat ipamukha ni Sharon Cuneta sa kanyang anak na si KC Concepcion ang mga sakripisyo niya noon dahil obligasyon ng mga magulang na bigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.

SEEN: Ipalalabas sa Quezon City International Film Festival ang uncut version ng Anino sa Likod ng Buwan, ang award-winning movie ng direktor na si Jun Lana. Tatlo ang screenings ng pelikula: Trinoma Cinema, Oct 23, 9 PM, Robinson’s Galleria, October 24, at Gateway Cineplex, Oct. 25.

Show comments