Showtime pressured sa ‘labanan’ nila ng kalyeserye?!

SEEN: Special guest si Regine Velasquez sa Dreams Never End, ang first solo concert ni Glaiza de Castro sa Music Museum sa October 3. Si Rico Gutierrez ang direktor ng dream concert ni Glaiza.

SCENE: Magkakaalaman ngayon kung matatalo ng kalyeserye ng Eat Bulaga ang mga sikat na loveteam at artista ng ABS-CBN sa mga special guest sa It’s Showtime na idaraos sa Smart Araneta Coliseum. Kailangang matalo ng It’s Showtime sa ratings game ang Eat Bulaga dahil kung hindi, madadamay ang popular stars ng ABS-CBN.

SEEN: Sa susunod na buwan ang tentative airing ng You’re My Home, ang teleserye nina Richard Gomez, Dawn Zulueta, Jessy Mendiola, at JC De Vera sa ABS-CBN. Nagsimula ang taping ng You’re My Home noong November 2014.

SCENE: Gold album na ang record album ni Alden Richards sa GMA Records at most requested song ang kanyang single na Wish I May.

SCENE: Umaasa ang fans ng Eat Bulaga na totoo ang tsismis na darating ngayon sa Pilipinas si Bryan White para kantahan sina Alden Richards at Maine Mendoza. Ang tweet ni Bryan kay Alden na “See you soon!” ang basehan ng Eat Bulaga fans na may katotohanan ang mga balita tungkol sa Manila visit ng American singer na nagpasikat sa God Gave Me You.

SEEN: Naririto pa rin sa bansa si Rudy Youngblood, ang American actor na napanood sa Apocalypto, ang 2006 movie ni Mel Gibson.

SCENE: Nagtataka ang fans ng Team Kramer dahil hindi nag-post sa social media ang mag-asawang Cheska Garcia at Doug Kramer ng mga litrato nila nang dumalo sila sa birthday party ng anak ni Jackie Forster.

Show comments