Iloilo dinayo ni Drew
(Pilipino Star Ngayon) - September 9, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Ngayong Biyernes September 11, 8PM, sa GMA News TV sa Biyahe ni Drew, lilibutin ni Drew Arellano ang ilang bayan sa Philippines’ City of Love, ang Iloilo.  Pero bukod sa siyudad, papasyalan din niya ang katimugang bahagi nito, lalo na ang Miagao at San Joaquin.

Unang bibisitahin ni Drew ang hagdan-hagdang palayan ng Miagao. Mala-Banawe Rice Terraces ang dating nito, pero kakaiba raw ang ganda ng 360-view sa tuktok. Hindi rin palalampasin ni Drew ang pagbisita sa ilang World Heritage Sites ng Iloilo, kabilang na ang simbahan ng San Joaquin na itinayo pa noong 1859, at ang Campo Santo na isang sementeryong ginawa naman noong 1892.

Pangingisda ang isa sa mga hanapbuhay ng mga taga-Southern Iloilo. At sa San Joaquin, hipon ang pangunahin nilang paninda. Susubukan ni Drew na manghuli ng hipon gamit ang kakaibang paraan ng mga taga-San Joaquin at dito, masusubok ang tiyaga at pasensiya ng biyahero.  Lalanguyin din niya ang ilan sa 15 protected fish sanctuaries ng bayan.

Siyempre, hindi pwedeng bumalik ng Maynila nang walang pasalubong! Sa bayan ng San Joaquin, panalong pampasalubong ang bandi, isang local candy na gawa sa mani at muscovado sugar. Sa Miagao naman, ipinagmamalaki ang bayi-bayi na version nila ng espasol.

Patricia Javier at asawang crossfit champion, may ipapasilip

Balik-Pilipinas ang mag-asawang Patricia Javier at Dr. Rob Walcher at sa kanilang pananatili dito ay pinaunlakan nila ang  Sports U na silipin ang kanilang crossfit routines. Panoorin kung paano napananatiling fit ang pangangatawan ng dalawa ngayong Huwebes (September 10).

Bukod dito, kilalanin din ang isang ama na nangangarera hindi para sa sarili ngunit para sa kanyang mahal na anak. Si Vlad Hernandez ay naging marathoner dahil sa anak niyang si Kevin na may cerebral palsy. Natuwa ang 24-taong gulang na binata sa nang minsan ay sumali sila ng ama sa isang marathon. Napansin ng pamilya na positibo ang epekto nito sa kanya kaya pinagpatuloy nila ng amang si Vlad ang pagsali sa iba’t ibang marathon. Kayanin kaya nila ang 50k Ultra Marathon?

Si Dyan Castillejo naman ay sumabay sa pagbisita ng ilang Ginebra players tulad nina Greg Slaughter, Japeth Aguilar, at LA Tenorio at pakikipaglaro sa Philippine Army bilang bahagi ng pagdiriwang ng Army of the Philippines Week. Dahil diyan, nagpaturo rin si Dyan ng mga tip para sa mas epektibong pull ups mula sa mga sundalo.

ANG ARMY OF THE PHILIPPINES WEEK CAMPO SANTO CITY OF LOVE DR. ROB WALCHER DREW ARELLANO GREG SLAUGHTER ILOILO JAPETH AGUILAR PATRICIA JAVIER SAN JOAQUIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with