^

PSN Showbiz

Kaye at Nikki ayaw patali sa kanilang mga karelasyon

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi naman ako nainggit kundi naluha pa nang manalo ng P1-M ang magkaparehang naglaro sa Deal Or No Deal na sina Kaye Abad at Nikki Valdez nung Lunes ng hapon. Part of her winning ay ido-donate ni Nikki sa isang simbahan samantalang ibinahagi naman ni Kaye sa kanyang mga pamangkin ang panalo niya.

Masaya ang mag-best friend sa kanilang suwerte. Maswerte rin namang maituturing ang kanilang lovelife, si Kaye sa isang negosyante at artista rin na si Paul Jake Castillo at si Nikki sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Pareho pang walang planong magpakasal ang dalawa at ini-enjoy ang kanilang mga relasyon.

Ibang celebrity na rumampa sa Cosmo nagpaka-OA

Ilang mga celebrity model pala ang nabastos at nahipuan sa kanilang private parts sa kanilang pagrampa sa katatapos lamang na Cosmo Bachelor Bash. Nangyari ito nang lumapit sila’t nakipagkamay sa audience na walang suot na pang-itaas.

Dalawa sa nagsabing nahipuan sila ay ang pulitiko ng Bulacan at isa ring artista na si Alex Castro. Ang isa pa ay si Alex Medina, isa sa mga nag-aartistang anak ni Pen Medina, pero hindi tulad ng kapangalan niya ay hindi nagrereklamo kundi natatawa pang ikinukuwento ang pangyayari dahil tanggap niya na maaring mapindot ng napakahigpit ang kanyang manoy.

Mixture ng babae at lalaki ang mga nanonood ng show at hindi maiaalis na madala sila ng kanilang mga damdamin at hindi mapigilang hipuan ang nagdaraan ng halos mga hubad nang kalalakihan.

Hindi alam ni Alex Medina kung babae o bakla ang nagsamantala sa kanya pero si Alex Castro ay sigu­radong bakla ang humipo na kanyang ikinagalit.

Wala namang pagbabawal sa mga ganitong palabas lalo’t ang mga modelo na mismo ang luma­lapit sa kanilang audience. Wala rin namang inanun­syo bago pa magsimula ang palabas tungkol dito kaya marahil na-feel ng manonood ang maari nilang gawin habang rumarampa ang mga seksing lalaki na pinapantas­ya.

Siguro kung ayaw nilang malapastangan o mabastos ay huwag na lamang siyang sumali sa mga ganu’ng palabas. Puwede ring sabihin sa mga organizer ang mga ayaw nilang mangyari, maaari nga lang silang sabihang kill joy.

Bea binabantayan na si Derrick?!

Wala naman nagtaka nang makita si Bea Bine­ne sa Cosmo Carnival para suportahan ang ma­ka­ka­tambal pa lamang niya sa isang teleserye ng GMA na si Derrick Monasterio. Matagal nang close ang dalawa. Type pa nga yatang ligawan ni Derrick si Bea, pero girlfriend ito ni Jake Vargas noon.

Ngayong break na ang dalawa ay wala nang makakapigil para sa ligawan ng dalawa. Maganda ang oportunidad na ibinibigay sa kanila dahil pareho silang  nasa iisang palabas kaya madalas ilang magkakasama.

Kris nagtagumpay na naman kina Kim at Xian

Tila mauuwi rin sa totohanan ang tambalan nina Kim Chiu at Xian Lim. Mukhang hindi na pang-magkaibigan lang ang mga ginagawa nila tulad ng mahabang paghihintay ni Xian para makatapos ng shooting si Kim.

Kung wala naman ito sa shooting, hindi ito natutulog hangga’t hindi nakakatapos ng trabaho si Kim. Maski sa telepono ay matiyaga nitong hinihintay na sagutin siya ng aktres. Minsan daw ay galing si Xian ng Bangkok, Thailand, pero sa halip na sa bahay niya siya tumuloy ay sa shooting ni Kim siya dumiretso.

Mukhang nakagawa na naman si Kris Aquino ng isang love story.

vuukle comment

ACIRC

ALEX CASTRO

ALEX MEDINA

ANG

HINDI

MGA

NBSP

NIKKI

SHY

WALA

XIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with