_ngayon
^

PSN Showbiz

Pauleen gusto nang mabuntis!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Isa sa iikutin ng rap and roll musical play na Kabesang Tales ay ang Kawit, Cavite.

Sa September 11 ay magtatanghal ang Kabesang Tales sa Kawit Municipal Town Hall at Island Cove Leisure Park na pangungunahan ni John Arcilla.

Tuluy-tuloy ang pag-ikot sa buong bansa ng nasabing musical play na isinulat ni Ricky Lee at idinirek ni Alejandro ‘Bong’ Ramos, bilang bahagi ng Araw ng Kawit celebration ng Kawit Tourism and Cultural Affairs at ni Mayor Reynaldo B. Aguinaldo.

PAK: Hindi na pinatulan ni Pauleen Luna ang ilang nagkakalat ng maling balitang buntis daw siya kaya magpapakasal na sila ni Vic Sotto.

Sa totoo lang, gusto na nga ni Pauleen na mabuntis dahil mahilig talaga ito sa bata. Pero hindi raw iyon ang dahilan kung bakit binabalak na nilang magpakasal ni Bossing Vic.

Napag-usapan na nila ito na bago matapos ang taon ay magpapakasal na sila.

Sa susunod na linggo pa ang balik ni Pauleen galing Amerika at habang nandun ang actress/TV host, nagpu-post ito sa kanyang Instagam account na nami-miss na raw niya ang kanyang fiancé.

May post pa siyang napapangiti siya habang kausap sa telepono si Bossing Vic.

BOOM: Hindi pa rin nagbibigay ng sagot si Jean Saburit sa ibinunyag ng dati niyang American-boyfriend na si James Jackson.

Wala pa raw sa tamang panahon na magsalita siya para ipagtanggol ang kanyang sarili tungkol sa ibinibintang ng dating boyfriend na na-swindle daw nito ang perang nagkakahalaga ng US$600,000 na ipinadala sa kanya ni Jackson.

Hindi pa raw muna siya magsasalita dahil kinakausap pa niya ang kanyang intelligence connections at ang bagong lawyer na hahawak ng kaso.

Sabi pa raw niya sa isang kaibigan, wala pa siyang tulog sa isyung hinaharap niya.

Ipapasa-Diyos na lang daw niya muna itong ibinibintang sa kanya, at kailangan niyang magpahinga sa trauma na inabot niya sa dating karelasyon.

ANG BOSSING VIC ISLAND COVE LEISURE PARK JAMES JACKSON JEAN SABURIT JOHN ARCILLA KABESANG TALES KAWIT KAWIT MUNICIPAL TOWN HALL KAWIT TOURISM AND CULTURAL AFFAIRS MAYOR REYNALDO B
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with