Jennylyn sanay nang lumandi

Bukas na uupong juror si Jennylyn Mercado sa Starstruck Vi, 5:50pm., at excited na ito sa first time niyang pagiging juror dahil isa siya sa mga pipili ng Top 14 mula sa Top 35 hopefuls. Kasama rin siya nina Joey de Leon, Dingdong Dantes at Regine Velasquez na pipili ng Male and Female Survivors.

Makaka-relate si Jennylyn sa mga finalist dahil galing siya sa Starstruck, sayang at wala siya sa presscon dahil nasa taping ng My Faithful Husband.

Samantala, naba-bash sa social media si Jennylyn ngayon dahil sa role niyang si Mel sa My Faithful Husband na niloloko ang asawang si Emman (Dennis Trillo). Malutong na “malandi ka” ang nababasa namin, pero ready na siya sa more bashing to come dahil sa papasok na linggo, intense ang mga eksena at malalaman na ni Emman ang panloloko niya rito.

Vin at Luis, natabunan ni Brian

Ang sarap pakinggan ni Jasmine Curtis-Smith ‘pag sinasagot ang tanong ng press people sa presscon My Fair Lady dahil may saysay ang mga sagot at articulate. Bumawi ito sa late niyang pagdating na ang rason ay hindi siya makapili ng isusuot na joke lang daw dahil ang totoong rason, may inayos siya.

Nabasa namin ang comeback article ni Jasmine sa Philippine Star na interview niya kay Director Antoinette Jadaone. It would be nice kung may article siya sa co-stars niya sa My Fair Lady.

Maganda ang trailer ng My Fair Lady na ai­ring na sa September 14, 9:30pm., bagay kay Jasmine ang rom-com at sana ang susunod ay rom-com movie. Sayang at hindi na yata tuloy ang movie nila ni Alden Richards sa APT Entertainment na rom-com sana ang genre.

Nabahiran pala ng intriga ang presscon sa pagdating ni Brian Poe Llamanzares kahit tapos na ang Q&A dahil sa kanila na-focus ang attention ng press people at hindi sa leading men ni Jasmine na sina Vin Abrenica at Luis Alandy. ‘Kaloka, si Brian ang ininterbyu ng TV crew at hindi ang dalawang leading men.

Show comments