Dahil sa kasal nila ni Vic, Pauleen tumanggi na sa mga trabaho

SEEN: Mas magaling na Corazon ng Ma­rimar si Manilyn Reynes kesa kay Jaya. Boring ang portrayal ni Jaya bilang Corazon sa MariMar.

SCENE: Ang balita na tinanggihan ni Pauleen Luna ang isang teleserye na iniaalok sa kanya dahil magkakaroon ito ng conflict sa wedding plans nila ni Vic Sotto.

SEEN: Ang statement ni Jasmine Curtis Smith sa presscon kahapon ng My Fair Lady na hindi lamang nakukuha sa mga lalaki ang kilig, pati sa trabaho rin.

SCENE: Wala pang ipinapalit si Jasmine Curtis Smith sa kanyang ex-boyfriend na si Sam Concepcion. Time heals all things ang sagot ni Jasmine nang tanungin kung naka-move on na siya sa breakup nila ni Sam.

SEEN: Itinanggi ni Eddie Gutierrez sa presscon ng My Fair Lady na may mga pinagdaraanan ang kanyang misis na si Annabelle Rama. Normal lang daw sa kanyang asawa na palakihin ang mga maliliit na bagay.

SCENE: Nahihirapan sina Angelica Panganiban at Jodi Sta. Maria na mapantayan ang mga iconic role na pinasikat nina Jean Garcia at Eula Valdes sa original version ng Pangako Sa ‘Yo.

Show comments