Eklayera… Arci todo puri kay Coleen kahit hindi pa napapanood ang pelikula

Ted Failon ibinuking ang text blast ni MMDA Chairman Francis Tolentino

SEEN: Nambobola si Arci Muñoz sa kanyang imbitasyon na dapat panoorin ang Ex With Benefits dahil magaling sa pelikulang ito si Coleen Garcia. Hindi pa napapanood ni Arci ang Ex With Benefits dahil sa September 2 pa ang showing nito sa mga sinehan.

SCENE: Pinandirihan ng publiko ang drama at walang sinseridad na pangangasiwa ni MMDA Chairman Francis Tolentino sa trapiko noong Miyerkules. Nadagdagan ang galit ng mamamayan sa rebelasyon ni Ted Failon sa TV Patrol na nag-text blast si Tolentino sa mga TV news personnel para i-cover ang kanyang gagawin.

SEEN: Ngayon ang pictorial ng mga host ng Celebri-TV, ang showbiz oriented talk show ng GMA-7 na ipapalit sa Startalk.

SCENE: Magwawakas ngayong hapon ang Flordeliza, ang Kapamilya Gold afternoon teleserye ng ABS-CBN. Ipapalit sa Flordeliza ang All of Me, ang launching teleserye ni Yen Santos.

SEEN: Inahit na ang kilay ni Ken Chan para sa kanyang transgender woman role sa Destiny Rose. Leading men ni Ken sa Destiny Rose sina Jeric Gonzales, Fabio Ide at Ken Alfonso.

SCENE: Ang obserbasyon ni Wally Bayola na hindi na akting ang kakaibang kilig ni Maine Mendoza kay Alden Richards sa KalyeSerye ng Eat Bulaga.

SEEN: Si Bb. Pilipinas Tourism 2015 Ann Colis ang official representative ng Pilipinas sa Miss Globe 2015 na magaganap sa October 11 sa Toronto, Canada.

SCENE: Pareho ang paniniwala ng Direktor na si Joel Lamangan at Iglesia ni Cristo spokesman Edwil Zabala na hindi makakaapekto sa Felix Manalo movie ang krisis na nangyayari ngayon sa simbahan na itinatag ni Felix Manalo noong 1914.

 

Show comments