Ningning kinabog si Ryzza Mae!
(Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Namamayagpag ngayon bilang pinakapinanonood na daytime TV program sa bansa top-rating drama series ng ABS-CBN na Ningning na pinagbibidahan ng Kapamilya child actress na si Jana Agoncillo. Patunay dito ang datos mula Kantar Media noong Biyernes (Agosto 21) kung kailan pumalo ang Ningning ng pinakamataas nitong national TV rating na 21.9%, o mahigit doble ng nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na The Ryzza Mae Show (10.1%).

Samantala, bilang pasasalamat sa suporta ng TV viewers sa nangungunang daytime drama series sa bansa, maagang nakipag-bonding sina Ningning (Jana) at ng kanyang best friend na si Macmac (John Steven de Guzman) sa mga cute at bibong estudyante ng Makati Elementary School.

Ang pagbisita nina Ningning at Macmac sa eskwelahan ay ang pagsisimula ng Ningning School Tour.

 

AGOSTO ANG BIYERNES JANA AGONCILLO JOHN STEVEN KANTAR MEDIA MACMAC MAKATI ELEMENTARY SCHOOL NINGNING NINGNING SCHOOL TOUR RYZZA MAE SHOW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with