Attention Mayor Erap: underpass ng Lawton/Intramuros ginawang tirahan ng mga homeless, Dennis, John, at John Lloyd sigurado na ang bakbakan sa best actor award

SEEN: Nakalimot sa lyrics at sintunado ang pagkanta pero si Duncan Ramos pa rin ang nanalo kahapon sa VST Pa More ng Bulaga Pa More ng Eat Bulaga. Mas deserving na manalo ang kalaban ni Duncan na si Jimmy Bondoc.

SCENE: Ang panawagan kay Manila City Mayor Joseph Estrada na linisin ang Lawton/Intramuros underpass na ginawa nang tirahan ng mga homeless at mapanganib na para sa mga pedestrian. Malapit lamang ang underpass sa Manila City Hall.

SEEN: Poor choice ang model na si Mark Mcmahon bilang Dr. Taning sa kalyeserye ng Eat Bulaga dahil hindi siya marunong umarte at conscious sa harap ng TV camera.

SEEN: Kaabang-abang ang mga Tagalog movie na ipalalabas sa mga sinehan bago matapos ang taon, ang Felix Manalo ng Viva Films, Heneral Luna ng Artikulo Uno at Honor Thy Father ng Reality Entertainment.

SCENE: Mahigpit na maglalaban sa best actor category ng mga award-giving body sa 2016 sina Dennis Trillo (Felix Manalo), John Arcilla (Heneral Luna), at John Lloyd Cruz (Honor Thy Father). 

SEEN: Ipinagdiwang kahapon ni Phillip Salvador ang kanyang 62nd birthday.

Show comments