^

Papa Erap ipinatikim ang mga pagkain nung unang panahon

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - August 8, 2015 - 10:00am

Naranasan ko uli na magpuyat noong Biyernes dahil nag-stay ako sa party ni Manila City Mayor Joseph Estrada para sa entertainment press at selected veteran stars.

Ang Sampaguita Events Place ang venue ng party ni Papa Erap at punong-abala sa pag-aasikaso sa mga bisita si Manay Marichu Vera Perez-Maceda.

Ako ang pinakamaaga na dumating sa Sampaguita Events Place. Alas-siyete nang gabi ang imbitasyon pero 6:00 p.m. pa lang, tinitikman ko na ang masasarap na pagkain na ipinahanda nina Papa Erap at Manay Ichu.

Parang blast from the past ang party dahil muling natikman ng showbiz press ang mga pagkain na paboritong ipaluto at ipahanda ni Doc Jose Perez kapag may mga okasyon sa Vera Perez Gardens. Si Doc Perez ang ama ni Manay Ichu na big boss ng Sampaguita Pictures, ang number one movie outfit noong araw.

Walang nagsabi na hindi sila nasarapan sa laing, kare-kare, adobong manok, hipon at lechon na inihanda ni Manay Ichu.

Walang umuwi na gutom dahil tiniyak nina Papa Erap at Manay Ichu na maligaya ang lahat.

Mga reporter takot magsalita kung ilan na ang naging girlfriend ni Papa Erap

Walang special occasion noong Biyernes. Na-miss lang ni Papa Erap ang entertainment press na matagal nang hindi niya nakikita dahil busy siya sa kanyang mga responsibilidad bilang mayor ng Manila City.

Nagkaroon ng guessing game, ang mga title ng pelikula noon ni Erap, ang mga pelikula na pinagsamahan nila ni Boots Anson Roa, ang pelikula na nanalo siya ng mga award etc.

Win ang mga reporter na mabilis na na-Google mula sa kanilang mga cellphone ang mga impormasyon tungkol sa showbiz career ni Papa Erap.

Pero walang naglakas-loob na sagutin ang tanong tungkol sa mga naging girlfriend ni Papa Erap.

Party ni papa Erap dinaluhan ng mga beterano

Nakihalubilo sa entertainment press ang mga veteran actor na sina Robert Arevalo at ang kanyang misis na si Barbara Perez, Celia Rodriguez, Delia Razon, Liza Lorena, Gloria Sevilla, Boots Anson Roa, ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama at iba pa na hindi ko na matandaan dahil sa rami ng mga bisita.

Halata sa mukha ni Papa Erap ang kaligayahan nang makita niya ang mga kasamahan sa showbiz. Nang matapos ang party, nagpaiwan siya at nakipagkuwentuhan kay Eddie at sa ibang mga senior star.

Ginanap sa second floor ng Sampaguita Events Place ang party ni Papa Erap para sa showbiz press habang nagkakasayahan sa ground floor ang mga artista at production people ng The Rich Man’s Daughter ng GMA-7.

Hindi na ako sumilip sa party ng The Rich Man’s Daughter dahil mas bongga ang mga kaganapan sa piling ni Papa Erap na nagpaunlak na makipag-duet ng Maalaala Mo Kaya sa isang magaling na female singer.

Jinggoy namana ang ugali ng ama

Kung hindi nakakulong si Senator Jinggoy Estrada sa Camp Crame, siguradong present siya sa party ng kanyang ama. Namana ni Papa Jinggoy kay Papa Erap ang ugali nito na mag-imbita ng party para sa entertainment press.

Lumabas na si Papa Jinggoy mula sa Cardinal Santos Medical Center noong Biyernes matapos ang check up sa kanya.

Hindi pa sinasabi ng mga doktor ang resulta ng check up  kay Papa Jinggoy na dinala sa ospital noong Miyerkules dahil sa duda na baka may heart ailment siya.

ANG BOOTS ANSON ROA ERAP MANAY ICHU MGA PAPA PAPA ERAP PAPA JINGGOY PARTY RICH MAN SAMPAGUITA EVENTS PLACE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with