Matteo at Sarah nakunan nang mag-moment sa finish line

MANILA, Philippines – Doble ang tamis ng tagumpay para sa Kapa­milya hunk at kilalang triathlete na si Matteo Gui­dicelli dahil bukod sa pagkakatapos niya sa ginanap na triathlon sa Cebu kamakailan ay sinalubong pa siya ng halik sa finish line ng kanyang girlfriend at Pop Star na si Sarah Geronimo.

Nakunan ng Sports U ang buong tagpo at ihahatid ang bawat detalye sa mga ma­no­no­od nga­yong Huwebes (August 4).

Tunghayan din sa episode ang kuwento ni Carlo Bautista, isang dragonboat paddler prospect. Ang 19-anyos na binata ay doble kayod sa pagiging “student-athlete” niya. Pursigido si Carlo na paghusayan pareho ang pag-aaral pati na ang pagsasagwan sa kanilang dragonboat team sa eskwelahan para sa kanyang nanay na niraraos ang kanyang pag-aaral bilang isang OFW.

Samantala, ang host na si Dyan Castillejo naman ay pupunta ng Camarin para makasama ang libu-libong estu­dyante sa pag-Zumba sa Dyanfit segment. Ang pag-zumba ng mga estudyan­te pala ay isang health and fitness program na itinutulak ng administrasyon ng paaralan para sa kalusugan ng mga bata.

Naglalayon ang Sports U na ipa­kilala ang mga at­letang may mga nakaka-inspire na kuwento at posib­leng maging sports star ng bansa sa hinaharap. Itinataguyod din nito ang pagkakaroon ng fit na pa­nga­­ngatawan at healthy lifestyle sa pa­mamagitan ng pagbabahagi kung paano ito nagagawa ng mga sikat na personalidad.

Huwag palalampasin ang Sports U ngayong Huwebes (August 4), 4:30 PM sa ABS-CBN.

Show comments