Megan Young balik Kapuso!

MANILA, Philippines – Isang taong kontrata ang pinirmahan ni Miss World 2013 Megan Young sa kanyang pagbabalik sa GMA7.

Kasama ni Megan sa pagpirma ng kontrata sina GMA-7 executives Felipe Gozon at Jimmy Duavit.

Isa sa mga gagawing project ni Megan ang pagiging host ng “Starstruck” kasama si Dingdong Dantes.

Nagsimula ang career ni Megan sa Starstruck noong 2004.

Bago ang contract signing ay napabalitang si Megan ang bibida sa remake ng Mexican telenovela na “Marimar.”
 

Show comments