Nanalo sa Amazing Race Philippines nahawakan na ang bagong kotse, bagong bahay

MANILA, Philippines – Masayang masaya sina Matthew Ed­wards at Phoebe Walker na makuha ang napanalunan nilang 2 brand new KIA Sportage SUVs na parte ng halos 10 mil­yong pisong grand prize na napanalunan nila sa The Amazing Race Philippines Season 2.

Nang matanong tungkol sa unang des­tinasyong gusto nilang marating gamit ang bago nilang mga sasakyan, ibinahagi ni Phoebe na dadalhin niya ang kanyang pa­milya sa Manaoag para na rin ipabless ang kanyang bagong kotse; samantalang umaasa naman si Matthew na magamit ang kanyang bagong puting SUV sa mga tapings niya sa TV5. Bukod sa 2 bagong KIA Sportage SUVs, inuwi rin nila ang 2.8 milyong pisong cash prize mula sa PLDT Home Telpad at 2 house and lots mula sa RCD Royale Homes.

Show comments