Forevermore tuloy ang pagpalo sa TV ratings

MANILA, Philippines – Hindi na magkamayaw ang TV viewers at netizens sa kilig na dulot ng mga bagong tagpo sa buhay ng mga karakter nina Enrique Gil at Liza Soberano sa top-rating primetime teleserye ng ABS-CBN na Fore­vermore. Patunay dito ang gabi-gabing pag-trend sa Twitter ng official hashtags ng programa dahil sa nag-uumapaw na tweets ng netizens na aliw na aliw sa mga nakakikilig na muntikang pagkikita nina Agnes (Liza) at Xander (Enrique). Patunay ang pagpalo ng programa sa pinakamataas nitong national TV rating kamakailan. Base sa datos mula sa Kantar Media, humataw ng national TV ra­ting na 31.6%.

Show comments