Pacman iwas na iwas sa mga nanghihingi ng tickets sa laban nila ni Mayweather

SEEN:  Guest performers sina Zsa Zsa Padilla at Jed Madela noong Huwebes sa state dinner para kay French President Francois Hollande at sa grupo nito, Hindi nakapagpa-selfie si Zsa Zsa kay Marion Cotillard kaya nadaig pa siya ni Senator Sonny Angara.

SCENE: Bumalik na kahapon sa France si President Hollande at ang kanyang entourage pagkatapos bumisita sa Typhoon Yolanda survivors sa Guian, Eastern Samar. 

SEEN: Baka malungkot si Bea Binene kapag na-realize niya na walang masyadong impact ang kanyang public admission  na break na sila ni Jake Vargas.

SEEN: Si Marian Rivera ang celebrity gangnam guest sa episode ngayong gabi ng Celebrity Bluff ng GMA 7.

SCENE: US-bound nga­yon si Congressman Manny Pacquiao para sa kanyang boxing trai­ning at upang makaiwas siya sa mga humihingi ng complimentary tickets para sa laban nila ni Floyd Mayweather, Jr.

SEEN: Ang Pari Ko’y ang ipapalit ng GMA 7 sa timeslot ng More Than Words, ang primetime teleserye nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez na malapit nang magwakas.

SCENE: Nagsalita noon si Pancho Magno na kung siya ang masusunod, ayaw niya na mag-pose ng sexy sa FHM ang kanyang girlfriend na si Max Collins. Si Max ang cover girl ng 15th anniversary issue ng FHM.

Show comments