Kasamaan ni Erich epektibo

MANILA, Philippines - Trending na naman sa social media ang hit teleseryeng Two Wives noong Huwebes (Feb. 19) ng gabi matapos ang matensyong pagha­ha­nap sa batang si Marcus.

Dahil sa paninindak ni Janine (Erich Gonzales) sa bata kung kaya’t tumakbo ito palayo hanggang sa aksidenteng nahulog sa isang excavation hole.

Tunay ngang effective sa pag-arte si Erich Gon­zales sa kanyang papel na Janine kaya naman bumuhos ang tweets tungkol sa kanya ma­ging kay Marcus kaya naman pumasok sila sa top Twitter trending topics list.

Sa nalalapit na pagtatapos ng Two Wives, saan na nga ba hahantong ang hidwaan nina Janine at Yvonne (Kaye Abad)?

Tutukan ang nalalapit na pagtatapos ng Two Wives pagkatapos ng Forevermore  sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

 

Show comments