Pagiging box-office hit ng pelikula nina Angelica at JM, direktor ang may kagagawan

Walang solo box-office hit movies sina Ange­lica Panganiban at JM de Guzman kaya marami ang nagulat sa naging box-office result ng kanilang indie movie na That Thing Called Tadhana na isinulat at idinirek ni Antoinette Jadaone.

Ang nasabing pelikula na isa sa mga kasali sa Cinema One Originals 2014 na ipinalabas commercially last February 4 ay patuloy pa rin na ipinalalabas sa mga sinehan hanggang ngayon at kumita na umano ng mahigit P100-M sa takilya.

Alma ginigiyera ang ama ng anak

Marami ang nabigla sa post ng dating beauty queen-turned-actress na si Alma Concepcion laban sa ama ng kanyang teenage son na si Kobe, ang businessman na si Dody Puno dahil tila nagdeklara na ng giyera si Alma laban sa ama ng kanyang kaisa-isang anak.

Sa pagkakaalam kasi namin noon ay open ang communication ni Alma kay Dody at maging sa current partner nito.

Nakakabigla ang pagsisiwalat ni Alma ng kanyang sama ng loob sa ama ng kanyang anak dahil tila isinarado na nito (Dody) ang komunikasyon sa kanila at ang hindi na nito pagbibigay ng suporta sa bata sa loob ng mahigit pitong buwan.

In fairness din naman kay Alma, she’s been trying to reach out kay Dody pero ito umano ang nagsara ng kanilang komunikasyon kaya napilitan si Alma na mag-vent out ng kanyang nararamdaman sa social media.

Two Wives dinumog

Kahit marami ang galit sa characters na ginagampan nina Erich Gonzales at Jason A­balos sa top-rating TV drama series na Two Wives, nawala ito nang makita sila in person sa Market! Market in Bonifacio Global City (Taguig City) noong nakaraang Linggo ng hapon kung saan dumayo ang buong cast ng Two Wives na pinangunahan mismo nina Erich, Jason, at Kaye Abad kasama sina Daniel Matsunaga, Rayver Cruz, Melai Cantiveros, Vandolph, at iba pa.

Hindi ikinakaila ng lead stars ng serye na sina Erich, Jason, at Kaye na malaki umano ang naitulong sa kanila ang kanilang respective roles sa Two Wives para mahugot ang husay nila sa pag-arte.

Kasalan sa showbiz hindi pa rin matapos-tapos

Patuloy ang Wedding Season this year among showbiz couples. Matapos ang magkakasunod na kasal nina Cesca Litton at Tyke Kalaw at Yeng Constantino at Victor “Yan” Asuncion last February 14 at nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista noong nakarang February 15, aabangan naman ang iba pang showbiz couples na nakatakdang ikasal this year.

Naka-line-up na ang kasal nina Patrick Garcia at Nikka Martinez sometime in March na susundan naman ng kasal nina John Prats at Isabel Oli sa buwan ng Mayo. Wala pang date ang kasalang mangyayari sa engaged couple na sina Paul Soriano at Toni Gonzaga maging sina Nikki Gil at non-showbiz boyfriend nitong pamangkin ni Joey Albert.

Show comments