JC at Aljur naunsyami rin sa kalokohan ng producer ng concert sana ni AiAi

Ngayong nakansela ang pre-Valentine concert ng singer-comedienne na si AiAi delas Alas na nakatakda sanang gaganapin sa The Theater ng Solaire Resort & Casino last February 12, tiyak na mu­ling haharap sa legal action ang talent manager-producer na si Jacob Fernandez mula sa management ng na­sabing hotel due to loss of revenue sa pagkaka-kansela ng concert. Puwede ring magdemanda si AiAi at maging ang bumubuo ng production mula sa di­rec­tor, musicians, sound system, at iba pang involved sa nasabing palabas dahil nawalan din sila ng income.

Naging maagap ang handler ng actor-singer na si Richard Yap sa pagba-back out nito sa I Heart Papa ni AiAi dahil hindi rin ito nabigyan ng down payment na SOP sa contracting parties. Ang maganda kay Richard, agad itong nabigyan ng kapalit na booking kaya hindi siya nawalan ng kita.

Naunsyami naman ang special guesting nina JC de Vera at Aljur Abrenica  sa Ai Heart Papa. Ang dalawang hunk actors ang kapalit sana ni Richard Yap sa nasabing concert.

Bukod sa pagpu-produce, si Jacob din  ang tumatayong manager ng singer na si Faith Cuneta.

Sarah ayaw mapag-usapan si Matteo?!

After Kris Aquino and Kristine Hermosa, ang Pop Princess na si Sarah Geronimo naman ang pinakabagong celebrity endorser ng San San Cos­me­tics at siya’y personal na ni-launch sa isang presscon na ginanap sa 9501 Restaurant ng ELJ Building last Wednesday. Pero maraming taga-entertainment media ang nagulat na hindi gaanong nagtagal si Sarah  at hindi na ito nagkaroon ng inaa­sahang Q&A (ques­t­ion and answer) na bahagi na ng isang press con­ference.

Bakit kaya? Natatakot kaya si Sarah na siya’y uriratin ng mga inimbitahang press tungkol sa kanila ng kanyang nobyong si Matteo Guidicelli?  O ayaw niya ng mga per­sonal question na madalas itinatanong sa kanya ng press?

Ganunpaman, isa kami sa gandang-ganda kay Sarah ng tanghaling `yon dahil sa kanyang pagiging simple at pagkakaroon ng natural beauty na siyang hinahanap ng San San Cosmetics kaya nag-swak ang kanilang partnership.

Isa si Sarah sa mga highest paid at in-demand celebrity endorser at patunay dito ang marami niyang product endorsements at kasama na rito ang isang popular food chain, shampoo, telco, sanitary napkins at iba pa at ngayon ay isang cosmetic line ang kanyang ini-endorso.

Show comments