^

PSN Showbiz

Heart magsosolong maglakad papunta sa altar!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Wala si Heart Evangelista sa Startalk noong Sabado dahil busy na siya sa paghahanda para sa kasal nila ni Senator Chiz Escudero sa February 15 pero umapir siya sa Sunday All Stars noong Linggo dahil ‘yon na ang huling paglabas niya sa TV bilang dalaga.

Matatagalan pa bago bumalik si Heart sa Startalk dahil pagkatapos ng Balesin wedding nila ni Papa Chiz sa darating na Linggo, ang wedding reception somewhere in Taguig City sa February 18 ang kanilang aasikasuhin. Kailangan din nilang pumunta sa Sorsogon dahil it’s a must na makapiling ng bagong kasal ang constituents ni Papa Chiz.

Dadalo ba sila o hindi, ang tanong ng fans ni Heart para sa kanyang mga magulang.

Si Heart ang nagsabi na hindi tiyak ang pagdalo ng mga magulang niya sa wedding day nila ni Papa Chiz kaya solo siya na maglalakad patungo sa altar.

P-Noy mukhang malabong lumutang sa kasalang Sen. Chiz at Heart

Dadalo ba siya o hindi ang next question at para naman ito kay P-Noy na best man sa Sen. Chiz-Heart wedding.

Matagal nang nasa schedule ni P-Noy ang pagdalo sa kasal nina Heart at Chiz pero nangyari ang Mamasapano massacre kaya walang katiyakan sa pagpunta ng pangulo sa Balesin.

Dumalo man o hindi si P-Noy, siguradong may sasabihin ang detractors na palaging nakakahanap ng butas sa mga sinasabi at ginagawa ng pangulo.

Sharon umimpis ang mukha, totoong namayat na talaga!

Halata na nabawasan ang timbang ni Sharon Cuneta nang dumalo siya sa baby shower ng kanyang pinsan na si Ciara Sotto.

Medyo hapis ang mukha ng Megastar na malinaw na patunay na tagumpay ang pagbabawas niya ng timbang.

Ikinatuwa ng fans ni Sharon ang kanyang pagpayat. Ang next question nila, kailan magiging active sa showbiz ang aktres na kanilang iniidolo.

Matagal na rin mula nang mapanood si Sharon sa TV. Halos isang taon na ang nakalilipas mula nang magbabu sa telebisyon ang mga programa niya sa TV5 na Madam Chairman at The Singer and The Songwriter.

Ciara hindi manas ang mukha kahit malapit nang manganak

Malapit nang manganak si Ciara Sotto pero maganda ang kanyang pagbubuntis.

Kahit malaki na ang tiyan niya, hindi lumobo ang mukha ni Ciara at ito yata ang good effect sa kanyang katawan ng pole dancing.

Expert si Ciara sa pole dancing na malaki ang naitulong para maging physically fit siya. Hindi madali ang pole dancing pero kapag si Ciara ang gumagawa nito, parang simpleng-simple lang at walang dusa na nararamdaman.

Taiwanese businessman at pamilyang nagpakamatay mabubuti sa kapwa

Nabasa ko na pinasuweldo muna ng Taiwanese businessman ang kanyang mga kasambahay at driver bago sila nagpakamatay ng pamilya nito.

Gusto kong isipin na mabuting tao ang Taiwanese businessman dahil kung iba ang nasa posisyon niya, baka hindi na nila maisip na bayaran ang mga obligasyon sa mga kasambahay.

Na-bother ako sa report ng The China Post sa Taiwan na may pahintulot ng asawa at mga anak ng Taiwanese businessman ang kanilang pagpapakamatay sa bahay nila sa Greenhills noong Sabado.

Nagkaroon ako ng interes sa murder suicide case dahil kaibigan ng anak ng friend ko si Amanda Hsieh, ang 18-year-old Ateneo University student na panganay na anak ng Taiwanese businessman.

Ang sabi ng anak ng friend ko, napakabait at mahilig tumulong sa mga mahihirap na tao si Amanda kaya ikinabigla nila ng kanyang mga kaklase at kaibigan ang malungkot na balita.

Isang memorial service para kay Amanda ang gaganapin ngayong gabi, 6 p.m. to 8 p.m. sa College Chapel ng Ateneo de Manila University.

 

vuukle comment

AMANDA

AMANDA HSIEH

ATENEO UNIVERSITY

CIARA

CIARA SOTTO

P-NOY

PAPA CHIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with