Eula nagmi-menopause na!

Nagka-anxiety attack si Eula Valdez habang interbyuhan para sa pagpasok sa The Half Sisters dahil nasa menopausal stage na siya, kaya sa gitna ng interview, nagpaalam na tatayo muna at naglakad-lakad. At 46 years old, nasa menopausal stage na ang aktres dahil maaga siyang nagkaroom ng menstruation.
 

Ayaw itago ni Eula ang pinagdadaanan para maintindihan siya ‘pag inatake lalo na kung ini-interview o nagti-taping. Nagkakaroon na rin siya ng hot flashes at iba pang symptoms, pero wala siyang ibang health problems at kaya pang magtrabaho gaya sa The Half Sisters.

Sa Wednesday na magsisimulang mag-taping si Eula ng The Half Sisters at kung saan, gagampanan niya ang role ni Ysabel Zuñiga, mayamang haciendera na makakapulot kay Jomari Yllana, magkakagustuhan sila, pero magiging problema si Jean Garcia.

Regalo ni Dingdong sa misis na-record na

Ni-record na nina Janno Gibbs at Dingdong Dantes ang composition ni Janno na Mestizang Caviteña na kinanta ni Dingdong sa reception ng kasal nila ni Marian Rivera. Gift ni Dingdong sa asawa ang song dahil wala na raw siyang maisip na ireregalo sa misis.

Show comments