Mabuti at ‘di natulad kay Lance Piolo naaksidente habang nagpapa-macho
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2014 - 12:00am

Ingat lang kayong mga nagpupunta ng gym. Naaksidente pala itong si Piolo Pascual at mabuti na lamang at ‘di siya napuruhan tulad ng nangyari kay Lance Raymundo na kinailangang operahan ng makailang ulit para maibalik ang kanyang muk­ha at maisalba ang buhay.

Hindi masamang magbabad kayo sa gym, pero unahin niyong isipin ang kaligtasan n’yo before anything else.

Marvin hindi na mapigilan, may bagong bukas uling restaurant

Wala talagang tigil sa pagbubukas ng restoran si Marvin Agustin. Isang Spanish restaurant ang huli at pinakabagong kainan na bunuksan nilang magkakaibigan at mga kasosyo na kinabibilangan na rin ngayon nina Charo Santos Concio, Liz Uy, Agot Isidro, at Mylene Dizon.

Hindi naman basta na lang nagtatayo ng restoran niya si Marvin. Talagang pinag-aaralan niya ang mga pagkaing isinisilbi nito. Ang bagong restoran niya ay naimpluwensyahan ng nakaraang pamamasyal niya sa bansang Espanya. Spanish cuisine ang specialty ng kanyang resto na Alqueria Restauranty Chocolatena.

Movie nina Robin at ER hindi napo-promote

Nakasisiguro na ba ang mga pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo ni Robin Padilla at Muslim Magnum .357 ni ER Ejercito na tatangkilikin sila sa Metro Manila Film Festival (MMFF) kaya wala na silang pa-presscon? Naninibago ang entertainment press sa parang kawalan ng interes ng prod­yuser at mga artista ng mga nasabing movies na ipa-presscon ang mga mo­vies nila na sa trailer pa lamang ay makikita nang maganda at kakaiba. Baka nga dahil dito kung kaya sigurado na ang mga nasa likod ng pelikula na papanoorin ang mga ito kahit walang presscon. Sana na nga.

AGOT ISIDRO ALQUERIA RESTAURANTY CHOCOLATENA ANG UNANG PANGULO CHARO SANTOS CONCIO ISANG SPANISH LANCE RAYMUNDO LIZ UY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with