Aljur hindi nakatiis na walang career, nagpapaawa sa GMA

SEEN: Ang pahiwatig ni Aljur Abrenica tungkol sa posibleng pagbabalik niya bilang talent ng GMA 7. Walang ibang mapupuntahan si Aljur dahil hanggang 2017 pa ang bisa ng exclusive contract niya sa GMA 7. 

SCENE: Magkakaroon ng bagong programa sa TV5 si Hayden Kho, Jr. Hindi dapat seryosohin ang pahayag noon ni Hayden na tatalikuran na niya ang entertainment industry dahil enjoy na enjoy siya sa showbiz at sa public attention. 

SEEN: Hindi napanindigan ni Katrina Halili ang desisyon na huwag nang magsalita tungkol sa paghihiwalay nila ni Kris Lawrence. Salita pa rin nang salita si Katrina tungkol sa break up nila ng ama ng kanyang anak. 

SCENE: Muling magsasama sa pelikula sina Gabby Concepcion at Lorna Tolentino sa  project ng Star Cinema na pagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Naganap noong Miyerkules ang story conference ng pelikula.

SEEN: Nag-donate  ng dugo si Robin Padilla sa blood letting activity na ginanap kahapon sa Mass Communication Department ng University of the Philippines.

Show comments