Kahit totoo dahil buntis, Melissa Ricks naiirita ‘pag sinasabihang mataba

SEEN: Walang kabuhay-buhay at tila walang sustansya sa katawan si Jackie Rice sa kanyang song number  sa product launch event na ginanap kahapon sa isang 5-star hotel.

SCENE: Ngayon ang opening day sa mga sinehan ng Past Tense, ang pelikula ng Star Cinema na tinatampukan nina Kim Chiu, Xian Lim, at AiAi Delas Alas na graded B ng Cinema Evaluation Board ((CEB).

SEEN: Ang Give Love on Christmas Day ang mapapanood sa timeslot na mababakante ng Be Careful With My Heart ng ABS CBN. Magsisimula sa December 1 ang Give Love on Christmas Day.

SCENE: Pinayagan ng Sandiganbayan si Senator Jinggoy Estrada na makalabas mula sa PNP Custodial Center para sa kanyang physical therapy. Twice a week ang physical therapy ni Senator Estrada sa Cardinal Santos Medical Center at nagsimula ito kahapon.

SCENE: Kumbinsido si House Representative Manny Pacquiao na kulang ang karanasan ni Chris Algieri sa boksing kaya natalo ito sa laban nila.

SEEN: Ang free show ni Christian Bautista sa November 29 sa atrium ng East Wing ng Shangri-La Mall. Ipo-promote ni Christian ang kanyang bagong album, ang Soundtrack.

SCENE: Naiirita si Melissa Ricks sa mga tao na nakakasalubong niya sa mall at nagsasabi na mataba siya. Nalilimutan ng mga tactless na pumupuna sa katabaan ni Melissa na buntis ito.

Show comments