Vic Sotto kay Ryzza Mae: Hindi lang puro pa-cute

MANILA, Philippines – Unti-unti nang napapatunayan ni Eat Bulaga child star Ryzza Mae Dizon ang kanyang talento sa pag-arte, ayon kay “bossing” Vic Sotto.

"I think she's proving herself of being a very good actress, hindi lang puro pa-cute,” komento ni Vic.

Natapos na nila i-shoot ang kanilang Metro Manila Film Festival entry na “My Big Bossing's Adventures” nitong weekend sa Batangas at humanga si Bossing sa dedikasyon ng child wonder.

Makakalaban ng kanilang MMFF entry ang “Praybeyt Benjamin 2” na pagbibidahan ni Vice Ganda at anak ni Kris Aquino na si Bimby.

Nitong nakaraang MMFF ay successful ang pagsasama ni Ryzza at Bimby sa “My Little Bossings.”

“Magkaiba naman sila ng genre, e,” paliwanag ni Bossing. “So I don't think magkakaro'n ng conflict. Besides it's [My Big Bossing's Adventures] a sort of trilogy.”

Show comments