Sa hilig makisawsaw sa mga isyu: Jim Paredes hindi kataka-takang pinagbabantaan ang buhay; Antoinette nagpapapansin kina Dingdong at Marian; Coco at Kim ‘kino

SEEN: Ang baby shower para sa baby girl nina Ara Mina at Bulacan Mayor Patrick Meneses noong Biyernes sa Bonifacio Global City. Amanda Gabrielle ang pangalan na pinili nina Ara at Patrick sa kanilang baby girl.

SCENE: Consistent ang statement ni Vice Ganda na may mga pinagdaraanan ito na hindi naman niya puwedeng sabihin sa lahat kapag nawawala siya sa It’s Showtime.

SEEN: Magkasabay na ipagdiriwang nina Korina Sanchez at Jessica Soho ang 10th year anniversary sa telebisyon ng kanilang mga programa, ang Rated K at Kapuso Mo Jessica Soho.

SCENE: Ang death threat kay Jim Paredes na isinumbong nito sa PNP at ang kanyang paliwanag na “I went to the police because threats of death or injury online should be taken seriously.”

SEEN: Hindi kagulat-gulat ang pananakot kay Jim Paredes dahil active siya sa social media at mahilig mag-criticize sa mga personalidad sa pulitika.

SCENE: Ang grand launch kagabi sa EDSA Shangri-La Hotel ng Asian Music Camp, ang ambitious global music project ni Arnel Pineda na magsisimula sa January 1, 2015.

SEEN: Irrelevant ang opinyon ni Antoinette Taus tungkol sa pagpapakasal kay Marian Rivera ng kanyang ex-boyfriend na si Dingdong Dantes dahil matagal na silang hiwalay.

SCENE: May time bomb sa finale episode ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon, may time bomb sa finale episode ng Ikaw Lamang. Ikinasal sina Paulo Avelino at Bea Alonzo sa finale episode ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon, ikinasal sina Coco Martin at Kim Chiu sa huling episode ng Ikaw Lamang.

 

Show comments