Ellen Adarna bagong Ginebra calendar girl

Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna.

MANILA, Philippines – Kasing tapang at swabe ng Ginebra San Miguel Gin ang kanilang bagong calendar girl para sa taong 2015.

Si ABS-CBN star Ellen Adarna ang bagong calendar girl ng Ginebra at siya mismo ang naghayag nito sa kanyang Instagram account.

Hindi na ikinagulat ng publiko ang pagpili sa sexy actress dahil sa ganda ng hubog ng katawan nito.

Sa pagbubukas ng pang-40 season ng Philippine Basketball Association nitong Linggo ay si Ellen ang kanilang ibinanderang muse sa harap ng halos 53,000 katao sa Philippine Arena sa Bulacan.

Show comments