Happy cooking challenge ibabalik sa Everyday Happy

MANILA, Philippines – Due to insistent public demand for more fun and lutuan, sisimulan na ngayong Martes (Oktubre 21) sa Basta Every Day Happy ang isang happy cooking challenge para sa mga aspiring little Chef Boy Logro na tatawaging Chef Boylets.

Sa kanilang opening salvo, magtatagpo sa kusina ang 11-year-old Papa’s Boy ng Caloocan na si Ian Cris Tapales at ang 12-year-old Lola’s Boy ng Mandaluyong na si Christian Henry Teruel. Alamin kung sino sa kanilang dalawa ang papasa sa mapanuring panlasa ng board of judges na binubuo nina Chef Donita Rose, Kapuso actor Geoff Eigenmann, at chairman of the board Chef Boy.

Alamin din kung paano bibigyan ng twist ni Ian ang Chopseuy sa tulong ng kanyang Kuya Chef Boylet na si Chef Ghi Quijano at ni Ge­rald Evangelista ang Pork Humba sa tulong ng kanyang Kuya Chef Boylet na si Chef Jonah Trinidad.

Pagdating naman ng Miyerkules, magtatagpo sa kusina sina Gerald ng North Fairview at Adrian Francis Alonso ng Commonwealth. Sino kaya ang papasa sa mapanuring panlasa ng board of judges na binubuo nina Chef Donita Rose, Kapuso actress Kylie Padilla, at chairman of the board Chef Boy Logro.

Alamin din kung paano bibigyan ng twist ni Gerald ang Sarsiadong Lapu-Lapu sa tulong ng kanyang Kuya Chef Boylet na si Chef Jonah Trinidad at ni Adrian ang nakasanayang Pinoy Adobo sa tulong ng kanyang Kuya Chef Boylet na si Chef Ghi Quijano.

Tunghayan ang part 2 ng masayang kiddie cooking challenge ngayong Miyerkules ng umaga sa Basta Every Day Happy ng GMA 7.

Show comments