^

PSN Showbiz

Maricar ayaw na uling pumatol sa basketbolista

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Sa Linggo, October 5 na magsisimula ang bagong talent show ng GMA 7 na Bet ng Bayan.

Sina Regine Velasquez at Alden Richards ang host nito - si Regine tuwing Linggo at ang updates nito mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi ay si Alden naman.

Malaking tulong itong Bet ng Bayan na lalong mapalakas ang GMA 7 sa iba’t ibang probinsya dahil iikutin ng talent show ang buong bansa para makapili ng Bet na Singer o Singers, Bet na Dancer o Dancers at ang Bet na may Kakaibang Talento.

PAK: Nagsalita na si Maricar de Mesa sa set ng pelikulang My Big Bossing’s Adventures tungkol sa hiwalayan nila ng asawa niyang basketbolista na si Don Allado.

Inamin niyang may third party na involved dahil nahuli raw niya mismo ang babaeng nakarelasyon ng kanyang asawa.

Sa ngayon ay inaayos daw ang annulment, pero nagkaroon daw muna ng separation of property na ikinairita ni Don dahil mas malaki kasi ang kinita niya nung nagsasama sila ni Maricar, pero kailangan nilang paghatian iyon.

Iyon ang napala kapag walang pre-nuptial agreement, at sabi ni Maricar, ganun talaga.

Ngayon ay hindi na raw sila nag-uusap, at ang mga abogado na lang daw nila ang nagkakausap kung ano pa ang dapat ayusin.

May allergy na raw ngayon si Maricar sa mga basketbolista, at titiyakin daw niyang hindi na siya mai-involve sa mga ito.

BOOM: May tampo nga ba si Coco Martin sa Bench?

Hinaing ng manager ni Coco na si Biboy Arboleda, hindi man lang daw sila kinausap ng mga taga-Bench pagkatapos mapag-usapan at umani ng mga batikos ang segment ng aktor sa nakaraang The Naked Truth show.           

Sa halip ay naglabas ng public apology ang Bench at doon ay binanggit din nilang humihingi sila ng paumanhin kay Coco.

Aminado rin daw si Coco na hindi siya kumportable nang ipinagawa sa kanya iyun, pero hindi lang daw siya makaangal dahil intimidated na raw siya sa mga Canadian directors na nangangasiwa ng naturang show.

Kaya nangako si Coco na makikipag-usap daw siya sa Gabriela at sa iba pang women’s group para maipahayag ang kanyang paghingi ng patawad sa ginawa niyang iyun sa naturang show.

Mataas daw ang paggalang ni Coco sa mga kababaihan.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

BAYAN

BIBOY ARBOLEDA

COCO MARTIN

DAW

DON ALLADO

KAKAIBANG TALENTO

MARICAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with