Connie makikipagtsikahan sa BEH sa tamang pagdisiplina ng mga bata

MANILA, Philippines - Ano nga ba ang mas epektibong paraan ng pagdidisiplina ng ating mga anak – palo or no palo? Isang deretsahang tsikahan mula sa Basta Every Day Happy (BEH) barkada kasama ang Kapuso newscaster na si Connie Sison ang magaganap ngayong Biyernes (Setyembre 26). 

Mainit ang debate tungkol sa isyung ito dahil kung marami daw ang lumaking pasaway dahil sa kakapalo ng kanilang mga magulang, marami rin namang nagsasabing kahit sila ay nakaranas ng palo, lumaki naman silang matino, disiplinado, at matagumpay.

Pero kailan nga ba nagiging abuso ang simpleng pamamalo at bakit may mga magulang na hindi matiis na hindi kantiin ang kanilang mga anak? Meron nga bang okay na palo basta may sapat na dahilan? At ano nga ba ang “say” ng ating Child Expert sa isyung ito?

Huwag pahuhuli sa isang masinsinan at masayang talakayan sa Basta Every Day Happy ngayong Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA 7.

Show comments