Bench nag-sorry para sa 'The Naked Truth' show

MANILA, Philippines — Humingi ng paumanhin ang clothing line na Bench para sa “offensive elements” ng fashion show nito na “The Naked Truth” na idinaos noong Sabado sa Mall of Asia Arena.

Habang marami ang nagtilian dahil sa nagseseksihang katawan ng mga rumampa, marami rin ang hindi natuwa sa mga daring na pagrampa ng ilang modelo.

Ilan sa mga binabatikos ay ang paghahalikan ng dalawang babae, ang labas puwet ni Jake Cuenca at ang mala-circus master ni Coco Martin kung saan may nakataling mga babae.

"We at Bench apologize to the public for all the offensive elements of the show, 'The Naked Truth," pahayag ng Bench.

"We will take all these concerns seriously and will serve as a lesson learned when we plan our next show."

Show comments