Dading lumayas
(Pilipino Star Ngayon) - September 9, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Susubukang magkaayos nina Joemer ( Benjamin Alves) at Beth (Glaiza de Castro). Maiisip ni Joemer na baka naman naromanticize lang niya ang muli nilang pagkikita ni Beth lalo pa’t may anak sila. Hirap na hirap naman si Car­ding (Gabby Eigenmann)  sa sitwasyon. Sinusubukan ni Beth na bumawi sa kanyang mag-ama pero dahil may lamat na ang kanilang pagsasama, nai­pa­pa­ramdam niya kay Beth ang galit niya. Halos gabi-gabi nagkakaiyakan ang mag-asawa.

Isang araw, hindi na kakayanin ni Carding na makasama si Beth sa iisang bubong. Pupuntahan nito si Neneth (Mymy Davao) kasama si Precious (Zarah Mae Deligero). Doon muna sasaglit ang mag-ama. Ibuhos ni Carding ang sama ng loob kay Beth.

Hindi kakayanin ni Beth na wala sa tabi niya ang kanyang mag-ama. Susunod ito kina Neneth para makipag-usap kay Carding pero si Neneth ang haharap sa kanya. Galit na galit si Neneth kay Beth. Pagtutulakan ni Neneth si Beth para umalis na ito. Walang magagawa si Carding.

Lahat nang ‘yan at marami ang iba pang mga eksenang aabangan sa ser­yeng Bading na isa sa mga pinakakasubaybayang serye sa hapon ng GMA.

 

BENJAMIN ALVES BETH GABBY EIGENMANN GALIT GLAIZA JOEMER MYMY DAVAO NENETH ZARAH MAE DELIGERO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with