^

PSN Showbiz

Ex-wife ni Derek, palaban

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Ayaw magpatalo ng ex-wife ni Derek Ramsay at nagbigay pa ito ng panayam sa press ka­ma­­kailan lamang, para gawing maliwanag ang kasong kriminal na isinampa niya sa korte laban sa aktor dahil sa ginawa nitong pag-aban­dona sa kanila ng kanyang anak maraming taon na ang na­kakaraan. Tuparin lamang daw ng aktor ang kanyang obligasyon sa kanilang anak ay babawiin niya ang kaso.

It’s your move now, Derek.

Katrina sumunod na rin kay Cristine

Hindi lang pala si Cristine Reyes ang nagbabu na sa pag­papaseksi kundi maging si Katrina Halili. Ewan ko kung ano ang rason ni Katrina sa kanyang desisyon, baka naman dahil mommy na siya kaya ayaw na niyang ibuyangyang ang sarili niya sa publiko. Samantalang si Cristine ay pag-ibig daw ang dahilan. Gusto yata nito na maisama ang manliligaw niya o BF sa panonood ng mga mo­vies niya at hindi niya ito magagawa kung sobra ang kaseksihan ng mga roles niya.

Also, gusto rin niyang maipagmalaki sa kanyang mga bibiyanin ang kanyang trabaho, pero takot siyang imbitahan sila sa premiere ng pelikula niya dahil baka hindi nila maintindihan kung bakit nagpapaseksi siya. Yun na!

Sen. Chiz at Heart ayaw makipagpabonggahan ng kasal kina Dingdong-Marian?

Parang tama ‘yung desisyon ng kampo nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista na gawing intimate ang kanilang kasal,. Hindi na wise kung lalaban sila ng engrande sa kasal ng mga ibang arista tulad na lang nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Wala naman sigurong mananalo sa kanila dahil pareho nilang kayang magkaro’n ng bonggang wedding?

Hayaan na nilang maging bonggang-bongga ‘yung sa dalawang Kapuso stars, at the end of the day, pareho naman silang mapag-uusapan. Tingnan na rin natin kung alin sa mga kasal nila ang mas magtatagal.

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

CRISTINE

CRISTINE REYES

DEREK RAMSAY

DINGDONG DANTES

HEART EVANGELISTA

KATRINA HALILI

MARIAN RIVERA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with