Dennis Roldan pinakukulong sa Bilibid dahil sa kidnapping

MANILA, Philippines — Hinatulan ng guilty ng Pasig City Regional Trial Court ang aktor at dating kongresistang si Dennis Roldan dahil sa kasong kidnapping.

Iniutos ng Branch 167 na makulong sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa si Roldan at ang kapwa akusadong si Adrian Domingo at Rowena San Andres dahil sa pandurukot sa isang noo'y tatlong-taong gulang na Filipino-Chinese noong 2005.

Samantala, pinabulaanan naman ni Roldan ang kaso at sinabing mistaken identity ang nagawa ng korte.

Laya si Roldan mula noong 2005 matapos makapagpiyansa.

Isang testigo naman mula sa isang telecommunications company ang nagsabing may mga mensahe sa telepono ni Roldan ng isang ina na nagmamakaawa na tanggapin na lamang ang P2.6 milyon na ransom dahil hindi nila mabuo ang P200 milyon na hinihingi ng mga kidnapper.

Show comments