Mader Ricky at Mama Renee magsasanib pwersa

MANILA, Philippines - Tutok lang sa programa ng GMA News TV na Gandang Ricky Reyes Todo na Toh (GRR TNT) ngayong Sabado alas-nuweve hanggang alas-diyes ng umaga para masaksihan ang magkumareng Mader Ricky Reyes at Mama  Renee Salud na kilala sa kani-kanilang larangan.

Ipaparada rin ng mga finalist ng 2014 Mutya ng Pilipinas ang mga obrang long gown ni Mama Renee na ginamit nila sa evening gown competition na ginanap sa Palawan.

Ipapasyal din tayo ni Mama Renee sa kanyang shop kung saan naka-display ang koleksyon ng kanyang mga dinisenyo at nilikhang damit para sa iba-ibang sikat na tao sa alta sosyedad, pulitika at showbusiness.

Pag sa pag-aayos ng buhok at paglalagay ng make up ay wala nang tatalo kay Mader at ngayong Sabado’y may demo siya ng  bagong hair style na sexy curls at wig na yari sa tunay na buhok ng tao.  

Dadalaw  pa ang pilantropong beauty guru sa Childhaus kung saan napapatunayang  ang ganda ng tao’y di lang sa panlabas na anyo

Basta usapang kagandahan, kalusugan at pananamit, samahan lagi si Mader Ricky sa GRR TNT na handog sa inyo ng ScriptoVision.

Show comments