Tom Rodriguez at Carla Abellana, hindi maamin ang relasyon

MANILA, Philippines - Kinilig ang maraming manonood at netizens sa episode kung saan opisyal ng magkarelasyon sina Grace (Carla Abellana) at Matthew (Tom Rodriguez). Sa katunayan, nag-number one trending ito sa Pilipinas at number two naman sa Worldwide.

Umpisa pa lang sana ng magandang relasyon ng dalawa ngunit paano kapag nalaman ni Grace na si Matthew pala ang Lucas na tinutukoy ng kapatid niyang si Joy (Rhian Ramos). Gusto na sanang umamin ni Matthew kay Joy na girlfriend na niya ang nakatatandang kapatid ngunit pipigilan naman siya ni Grace sa takot na maging emosyunal si Joy at makaapekto ito sa kanyang sakit.

Samantala, gagawa naman ng paraan si Matthew upang ma-turn off sa kanya si Joy. Maging effective naman kaya ito o mas lalong mahulog ang loob ni Joy kay Matthew?

Panghinaan pa kaya si Grace na aminin ang relasyon nila ni Matthew kapag nakikita niyang unti-unti nang nagugustuhan ni Joy si Matthew? Isasakripisyo ba ni Grace ang sariling kaligayahan para sa kapatid?

Mapapanood ang My Destiny gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Niño sa GMA Telebabad.

Show comments